Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


53 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Existence of God

53 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Existence of God

Nasa simula pa lang ng panahon, naroon na ang Diyos. Sinasabi nga sa Biblia, walang nagkataon lang. May perpektong plano at ayos ang lahat ng ginawa Niya.

Tinuturuan tayo ng Biblia na tanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya na may Diyos. “Ngunit kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ang Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalataya na siya nga ay buhay, at siya ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa kanya.” (Hebreo 11:6). Kung gugustuhin Niya, puwede Niyang ipakita sa lahat na Siya’y totoo. Pero kung gagawin Niya ‘yun, mawawalan na ng saysay ang pananampalataya.

Tulad ng sinabi ni Jesus, “Sinabi ni Jesus sa kanya, ‘Sumampalataya ka dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga sumampalataya kahit hindi nila ako nakita.’” (Juan 20:29). Ang paniniwala sa Diyos ay hindi nakabatay sa nararamdaman mo, kundi sa kaalaman na Siya’y totoo. Isipin mo ang lahat ng ginawa Niya sa buhay mo. Sa iba’t ibang paraan, ipinakita Niya ang pagmamahal Niya. Nakita mo ang kamay Niya sa lahat ng pinagdaanan mo. Tandaan mo, hindi ito tungkol sa nararamdaman, kundi sa paniniwala. Sa ganitong paraan, hindi ka malilito at mananatiling matatag ang iyong pananampalataya kahit hindi mo Siya nakikitang gumagawa ayon sa gusto mo. Hindi ito tungkol sa kung anong magagawa Niya para sa’yo, kundi dahil kilala mo Siya at mahal mo Siya.




Roma 1:20

Totoong hindi nakikita ang Dios, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Dios ay naipahayag sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 3:14

Sumagot ang Dios kay Moises, “Ako nga ang Dios na ganoon pa rin. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ang Dios na ganoon pa rin ang nagpadala sa akin.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:1-4

Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos Panginoon, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod. Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin nʼyo po ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman. Ilayo nʼyo rin ako sa kasalanang sadya kong ginagawa, at huwag nʼyong payagan na alipinin ako nito. Para mamuhay akong ganap at walang kapintasan, at lubos na lalaya sa maraming kasalanan. Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas! Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:6

na siyang gumawa ng langit at lupa, ng dagat at ang lahat ng narito. Mananatiling tapat ang Panginoon magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:4

Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalaman at ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:1

Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:4

“Nasaan ka noong nilikha ko ang pundasyon ng daigdig? Kung talagang may alam ka, sabihin mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:4

Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Dios ang gumawa ng lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 14:1

“Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:1

Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:6

para sa atin iisa lamang ang Dios, ang ating Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at nabubuhay tayo para sa kanya. At may iisang Panginoon lamang, si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya ay nabubuhay tayo ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 4:11

“Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Dios na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, dahil kayo ang lumikha sa lahat ng bagay. At ginawa ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 4:8

Tig-aanim ang mga pakpak nila at punong-puno ng mata ang buong katawan. Araw-gabi ay wala silang tigil sa pagsasabi ng: “Banal! Banal! Banal ang Panginoong Dios nating makapangyarihan sa lahat. Siya ang Dios noon, ngayon, at sa hinaharap.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 16:5

Narinig kong sinabi ng anghel na katiwala sa tubig, “Makatarungan po kayo, Panginoon. Kayo ang Dios noon at kayo rin ang Dios magpahanggang ngayon. Banal kayo, at matuwid ang pagpaparusa ninyong ito sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:6

Hindi makapagbibigay-lugod sa Dios ang taong walang pananampalataya, dahil ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Dios at nagbibigay siya ng gantimpala sa mga taong humahanap sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:2

Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok at ang mundo, kayo ay Dios na, at kayo pa rin ang Dios hanggang sa katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 4:17

Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Kaya sa paningin ng Dios, si Abraham ang ating ama. At ang Dios na pinaniwalaan ni Abraham, ang siya ring Dios na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na wala pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 11:17

Sinabi nila, “Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat, kayo po ang Dios noon, at kayo rin ang Dios ngayon. Nagpapasalamat kami sa inyo dahil ginamit nʼyo na ang inyong kapangyarihan, at nagsimula na kayong maghari ngayon sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:8

Ang Panginoong Dios ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:2

Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:17

Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Cristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:3

Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:28

Pero may Dios sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa inyo sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon, sasabihin ko po sa inyo ang mga pangitaing nakita ninyo sa inyong panaginip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:18

Kayo Panginoon ang Dios. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para matirhan. Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-14

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:29

Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 7:22

“Panginoong Dios, dakila kayo. Wala po kayong katulad. Walang ibang Dios maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na dios na gaya ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:16-17

Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa mundo, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Cristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 11:5

Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:1-3

Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios. Naparito siya sa mundo. At kahit na nilikha ang mundo sa pamamagitan niya, hindi siya kinilala ng mundo. Pumunta siya sa sarili niyang mga kababayan, pero tinanggihan siya ng karamihan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios. Naging anak sila ng Dios hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ng Dios. Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya. Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko, mas dakila siya kaysa sa akin, dahil nariyan na siya bago pa ako ipanganak.’ ” Sa kasaganaan ng kanyang biyaya ay tumanggap tayong lahat ng sunud-sunod na pagpapala. Ibinigay sa atin ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at katotohanan ay napasaatin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Wala pang nakakita sa Dios Ama kahit kailan, ngunit ipinakilala siya sa atin ng kanyang Bugtong na Anak, na Dios din nga at kapiling ng Ama. Pinapunta ng mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang mga pari at Levita upang tanungin si Juan kung sino talaga siya. Tinapat sila ni Juan. Sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.” Sa simula paʼy kasama na siya ng Dios. Nagtanong sila, “Kung ganoon, sino ka? Ikaw ba si Propeta Elias?” Sumagot siya, “Hindi.” Tinanong pa nila si Juan, “Ikaw ba ang Propeta na ipinangakong darating?” “Hindi rin,” sagot ni Juan. “Kung ganoon, sino ka talaga? Sabihin mo sa amin para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?” Sumagot si Juan, “Ako ang taong binanggit ni Propeta Isaias nang sabihin niya, ‘Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang na nagsasabi, Tuwirin ninyo ang dadaanan ng Panginoon.’ ” Ang mga nagsugo sa mga taong pumunta kay Juan ay mga Pariseo. Tinanong nila ulit si Juan, “Bakit ka nagbabautismo kung hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?” Sumagot si Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit may nakatayong kasama ninyo na hindi ninyo nakikilala. Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, at ni hindi man lang ako karapat-dapat na maging alipin niya.” Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog ng Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan. Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito na ang Tupa ng Dios na ihahandog upang mag-alis ng kasalanan ng mga tao sa mundo! Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:5

Sapagkat iisa lang ang Dios at iisa lang ang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao. Itoʼy walang iba kundi ang taong si Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:4-7

“Nasaan ka noong nilikha ko ang pundasyon ng daigdig? Kung talagang may alam ka, sabihin mo sa akin. habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa akin? Alam mo ba kung sino ang nagpasya ng magiging lawak ng pundasyon at sukat nito? Sino ang may hawak ng pundasyon ng mundo? At sino ang naglagay ng pundasyon na ito habang sama-samang umaawit ang mga bituin sa umaga at nagsisigawan sa tuwa ang lahat ng anghel?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:3

At ito ang kahulugan ng buhay na walang hanggan: ang makilala ka ng mga tao na ikaw lang ang tunay na Dios, at makilala rin nila ako na isinugo mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:10

Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:9

Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Dios ay naghahari sa buong mundo. Higit kayong dakila kaysa sa lahat ng mga dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:19

Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:1-2

Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:28

Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo? Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 5:19

O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:3

Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:18

Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Narinig sa lahat ng dako ang kanilang tinig, at ang sinabi nila ay nakarating sa buong mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:16

Siya lang ang walang kamatayan, at nananahan sa di-malapit-lapitang liwanag. Hindi siya nakita o maaaring makita ninuman. Sa kanya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:24-28

Siya ang lumikha ng mundo at ng lahat ng narito. Siya ang Panginoong nagmamay-ari ng langit at lupa, kaya hindi siya nakatira sa mga templo na ginawa ng mga tao. Hindi siya nangangailangan ng tulong mula sa tao dahil siya mismo ang nagbibigay ng buhay sa atin, maging ng lahat ng pangangailangan natin. Mula sa isang tao, nilikha niya ang lahat ng lahi at ipinangalat sa buong mundo. Noon paʼy itinakda na niya ang hangganan ng tirahan ng mga tao at ang panahon na silaʼy mabubuhay dito sa lupa. Ang lahat ng itoʼy ginawa ng Dios upang hanapin natin siya, at baka sakaling matagpuan natin siya. Pero ang totoo, ang Dios ay hindi malayo sa atin, ‘dahil sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan tayoʼy nabubuhay at nakakakilos.’ Katulad din ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo ngaʼy mga anak niya.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:14-15

Ang mga hindi Judio ay walang kaalaman tungkol sa Kautusan ni Moises. Pero kung gumagawa sila nang naaayon sa sinasabi ng Kautusan, ipinapakita nila na kahit wala silang alam tungkol dito ay alam nila ang nararapat gawin. Ang mabubuting gawa nila ay nagpapakita na ang iniuutos ng Kautusan ay nakaukit sa kanilang puso. Pinatutunayan ito ng kanilang konsensya, dahil kung minsaʼy inuusig sila nito at kung minsan namaʼy ipinagtatanggol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:20

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:10-11

Mga mamamayan ng Israel, kayo ang aking mga saksi. Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, para makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at para maunawaan ninyo na ako lamang ang Dios. Walang ibang Dios na nauna sa akin, at wala ring Dios na susunod pa sa akin. Ako lang ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang iba pang Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:3

Ang aming Dios ay nasa langit, at ginagawa niya ang kanyang nais.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:4

“Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at huli, ang simula at ang wakas. Sa iyo nagmumula ang lahat ng bagay, at kung wala ka, wala sanang nalikha. Ikaw ang Diyos na walang hanggan, ang nag-ayos at nagpatatag ng daigdig upang maging tahanan namin, dahil ang lahat ng iyong ginawa ay ganap at napakabuti. Salamat Ama, dahil ako'y iyong nilikha, gawa ng iyong mga kamay, ayon sa iyong wangis. Bago pa man ako mabuo sa sinapupunan ng aking ina, ako'y iyong kilala na, at ang lahat ng aking araw ay nakasulat na sa iyong aklat. Sabi nga po sa iyong salita, "Ang kalangitan ay nagsasaysay ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang mga kamay. Araw-araw ay nagsasalita; gabi-gabi ay nagpapahayag ng kaalaman. Walang pananalita, ni mga salita; ang kanilang tinig ay hindi naririnig. Gayon ma'y sa buong lupa ay lumabas ang kanilang tinig, at hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng sanglibutan ang kanilang mga salita. Sa kanila'y inilagay niya ang isang tabernakulo para sa araw." Ama, pinupuri kita dahil ako'y isa sa iyong mga kahanga-hangang gawa. Ikaw ang Diyos na walang hanggan, at ang lahat ng nasa langit at lupa ay yumuyukod sa iyong harapan. Sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas