Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


120 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Mga Propeta

120 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Mga Propeta

Alam mo, pinipili ng Diyos ang mga propeta para iparating ang Kanyang kalooban sa atin. Kadalasan, sila ang nagbababala sa atin tungkol sa mga kasalanan at hinihikayat tayong sumamba at sumunod sa iisang tunay na Diyos.

Hindi naging madali ang kanilang misyon. Marami ang tumutol at tumanggi sa kanilang mensahe. Isipin mo sina Isaias, Jeremias, Ezekiel, Elias, at Eliseo sa Lumang Tipan. Sila ay binigyan ng mga pangitain at rebelasyon mula sa Diyos na ibinahagi nila sa mga Israelita.

Puno ng karunungan at pagmamahal sa Diyos ang kanilang mga salita. Sana ay magnilay-nilay tayo sa ating relasyon sa Kanya.

Ang isa sa pinakamahalagang aral na matututunan natin sa mga propeta ay ang kahalagahan ng katapatan at pagsisisi. Hinihikayat nila ang mga tao na talikuran ang kasamaan at bumalik sa Panginoon. Makikita natin sa kanilang mga mensahe kung gaano ni Diyos na magkaroon tayo ng malapit at tapat na relasyon sa Kanya, at kung gaano Niya kahalaga ang pagsunod at katarungan.

Sa panahon ngayon, na puno ng kasamaan at kasalanan, mahalaga na ang mga propeta ng Diyos ay manatiling malapit sa Espiritu Santo. Sa ganitong paraan, hindi sila malilito, maloloko, o mapapaniwala sa mga bagay na hindi naman sinasabi ng Diyos.

Ingatan natin ang ating mga puso, manatili sa kabanalan at katapatan, at manindigan sa mga utos at prinsipyo ng Panginoon.




Santiago 5:10

Tularan nʼyo ang pagtitiyaga at pagtitiis ng mga propeta na mga tagapagsalita ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 44:4

Palagi kong isinusugo ang mga lingkod ko na mga propeta para bigyan sila ng babala na huwag nilang gagawin ang bagay na iyon na kasuklam-suklam sa akin at kinapopootan ko,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 18:18-19

Magpapadala ako sa kanila ng isang propeta na mula sa kanila at kadugo nila tulad mo. Ipasasabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanila. Parurusahan ko ang sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na sinasabi ng propeta na ito sa pamamagitan ng aking pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 46:13

Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa pagsalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia sa Egipto:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 3:7

Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Panginoong Dios na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:5

“Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 2:1-3

Sinabi sa akin ng tinig, “Anak ng tao, tumayo ka dahil may sasabihin ako sa iyo.” Iniladlad niya ito sa harap ko at may mga salitang nakasulat sa harap at sa likod nito. Ang nakasulat ay malulungkot na mensahe, mga panaghoy at pagdadalamhati. Habang kinakausap ako ng tinig, pinuspos ako ng kapangyarihan ng Espiritu at itinayo ako. Pinakinggan ko ang tinig na kumakausap sa akin. Sinabi niya, “Anak ng tao, isusugo kita sa mga mamamayan ng Israel, ang rebeldeng bansa. Mula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno hanggang ngayon ay nagrerebelde sila sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 35:15

sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta. Sinabi nila sa inyo, ‘Talikuran na ninyo ang inyong masasamang ugali, baguhin na ninyo ang inyong pamumuhay, at huwag na kayong sumamba sa mga dios-diosan, para patuloy kayong manirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.’ Pero hindi kayo naniwala o sumunod sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 6:8

Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “Sino ang susuguin ko? Sino ang lalakad para sa amin?” Sumagot ako, “Narito po ako! Ako ang isugo ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 38:17

Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Noong unang panahon, sinabi ko sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta ng Israel, na sa mga huling araw ay may sasalakay sa Israel. At ikaw ang tinutukoy ko noon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:12

Ganoon din ang ginawa nila sa mga propeta noong una. Kaya magalak kayo dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jonas 3:4

Pumasok si Jonas sa Nineve. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga taga-roon, “May 40 araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 47:1

Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon ang Gaza:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:44

Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga isinulat ng mga propeta at sa mga Salmo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 16:7

Ang mensaheng iyon ng Panginoon laban kay Baasha at sa pamilya niya ay sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani. Sinabi iyon ng Panginoon dahil sa lahat ng masasamang ginawa nito sa paningin ng Panginoon. Ginalit niya ang Panginoon dahil sa mga ginawa niya na katulad ng ginawa ng pamilya ni Jeroboam, at dahil sa kanyang pagpatay sa buong pamilya ni Jeroboam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:1-2

Noong una, nangusap ang Dios sa mga ninuno natin sa ibaʼt ibang panahon at paraan sa pamamagitan ng mga propeta. At sinabi pa niya sa kanyang Anak, “Sa simula, ikaw Panginoon, ang lumikha ng mundo at ng kalangitan. Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili ka magpakailanman. Maluluma itong lahat tulad ng damit. Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit. Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.” Kailanmaʼy hindi sinabi ng Dios sa sinumang anghel: “Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo ang mga kaaway mo.” Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Dios, at sinusugo niya para tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan. Ngunit nitong mga huling araw, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan niya, nilikha ng Dios ang sanlibutan, at siya rin ang pinili niyang magmay-ari ng lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 25:2

“Anak ng tao, humarap ka sa lugar ng Ammon at sabihin mo ito laban sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 24:19

Nagpadala ang Panginoon ng mga propeta sa mga tao para pabalikin sila sa kanya, pero hindi sila nakinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 1:9

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tyre: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Tyre, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbili nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan bilang mga alipin sa Edom. Hindi nila sinunod ang kanilang kasunduang pangkapatiran sa mga mamamayang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:10-12

Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Dios sa atin. Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila, na maghihirap siya bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari. Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa atin. At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 29:8

Kaya ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, ipapasalakay kita sa mga tao na papatay sa mga mamamayan at mga hayop mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:6

Ibaʼt iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Dios ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang kaloob ng isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Dios, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:41

Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa kanyang pagkapropeta ay makakatanggap ng gantimpalang naaayon para sa isang propeta. At ang tumatanggap sa matuwid na tao dahil sa kanyang pagkamatuwid ay makakatanggap ng gantimpalang naaayon para sa matuwid na tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:10

Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing pagkatapos ng 70 taon na pagsakop ng Babilonia, babalikan ko kayo at tutuparin ko ang pangako ko na ibabalik ko kayo sa lupain ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 13:34

“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na isinugo ng Dios sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin at alagaan gaya ng isang inahing manok na nagtitipon ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, pero ayaw ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:18

Ipinahayag na ng Dios noon sa pamamagitan ng mga propeta na si Cristo ay kinakailangang magdusa. At sa inyong ginawa sa kanya, natupad ang sinabi ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 2:15

At nanatili sila roon hanggang sa mamatay si Herodes. Sa gayon, natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko mula sa Egipto ang aking anak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 7:37

Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Magtatalaga ang Dios sa inyo ng isang propeta na katulad ko na sa inyo rin manggagaling.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 77:1-3

Tumawag ako nang malakas sa Dios. Tumawag ako sa kanya upang akoʼy kanyang mapakinggan. At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akin ay ang malamang hindi na tumutulong ang Kataas-taasang Dios.” Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo. Kayo ang Dios na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan iniligtas nʼyo ang inyong mga mamamayan na mula sa lahi nina Jacob at Jose. Ang mga tubig, O Dios ay naging parang mga taong natakot at nanginig nang makita kayo. Mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan, kumulog sa langit at kumidlat kung saan-saan. Narinig ang kulog mula sa napakalakas na hangin; ang mga kidlat ay nagbigay-liwanag sa mundo, at nayanig ang buong daigdig. Tinawid nʼyo ang karagatang may malalaking alon, ngunit kahit mga bakas ng paa nʼyo ay hindi nakita. Sa panahon ng kahirapan, nananalangin ako sa Panginoon. Pagsapit ng gabi nananalangin akong nakataas ang aking mga kamay, at hindi ako napapagod, ngunit wala pa rin akong kaaliwan. Sa pamamagitan nina Moises at Aaron, pinatnubayan nʼyo ang inyong mga mamamayan na parang mga tupa. Kapag naaalala ko ang Dios, napapadaing ako at para bang nawawalan na ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 12:6

sinabi ng Panginoon, “Pakinggan ninyo ito: Kung may propeta ako na nasa inyo, nakikipag-usap ako sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:31

“Kayo ang mga tupa sa aking pastulan, kayo ang aking mga mamamayan, at ako ang inyong Dios. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 12:10

“Nakipag-usap ako sa mga propeta at binigyan ko sila ng maraming pangitain. Sa pamamagitan nila, nagbabala ako sa inyo na mapapahamak kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 7:12

Pinatigas nilang parang bato ang kanilang mga puso, at hindi sila nakinig sa Kautusan at mga salitang ipinasasabi ng aking Espiritu sa pamamagitan ng mga propeta noon. Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay talagang galit na galit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 38:1

Nang panahong iyon, nagkasakit si Hezekia na halos ikamatay niya. Pumunta sa kanya si Propeta Isaias na anak ni Amoz at sinabi, “Sinabi ng Panginoon na magbilin ka na sa sambahayan mo dahil hindi ka na gagaling, mamamatay ka na.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 4:5

“Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng aking pagpaparusa, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 7:1

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Makinig ka! Gagawin kitang parang Dios sa Faraon. Makikipag-usap ka sa kanya sa pamamagitan ng kapatid mong si Aaron.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 10:5

Pagdating mo sa bundok ng Dios sa Gibea, kung saan may kampo ng mga Filisteo, may makakasalubong kang grupo ng mga propeta pababa galing sa sambahan sa mataas na lugar. Tumutugtog sila ng lira, tamburin, plauta at alpa, at nagpapahayag ng mensahe ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:29

Kung mayroon sa inyo ang pinagkalooban ng mensahe ng Dios, hayaang magsalita ang dalawa o tatlo sa kanila. Ang iba namaʼy dapat makinig at unawaing mabuti kung tama o mali ang kanilang sinasabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 18:36

Nang oras na ng paghahandog, lumapit si Propeta Elias sa altar at nanalangin. Sinabi niya, “Panginoon, Dios ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, patunayan ninyo sa araw na ito, na kayo ang Dios ng Israel at ako ang inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito ayon sa utos ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:37

Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng mensahe ng Dios o sumasakanya ang Banal na Espiritu, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 2:15

Nang makita ito ng grupo ng mga propeta na galing sa Jerico, sinabi nila, “Ang kapangyarihan ni Elias ay sumasakanya.” Kaya sinalubong nila si Eliseo at yumukod sila bilang paggalang sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:20

Tayong mga mananampalataya ay katulad ng gusali na ang mga haligi ay ang mga apostol at mga propeta, at ang pundasyon ay si Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:15

Silang mga Judio ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta noon. Sila rin ang mga taong umuusig sa amin. Hindi nalulugod ang Dios sa ginagawa nila, at maging ang lahat ng taoʼy kinakalaban nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:20

Kinabukasan nang maagang-maaga pa, pumunta sina Jehoshafat sa disyerto ng Tekoa. Habang naglalakad sila, huminto si Jehoshafat at nagsabi, “Pakinggan nʼyo ako, kayong taga-Juda at taga-Jerusalem! Maniwala kayo sa Panginoon na inyong Dios, at maging matatag kayo. Maniwala kayo sa kanyang propeta, at magtatagumpay kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 10:7

Kapag pinatunog na ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, matutupad na ang lihim na plano ng Dios ayon sa sinabi ng mga propeta na kanyang lingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:25

Mula nang umalis ang mga ninuno nʼyo sa Egipto hanggang ngayon, patuloy akong nagpapadala sa inyo ng mga lingkod kong mga propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 16:6

Pinadanak nila ang dugo ng mga pinabanal at ng inyong mga propeta, kaya dugo rin ang ipaiinom nʼyo sa kanila. Ito ang nararapat na ganti sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:1

Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo nang malakas na kasinglakas ng trumpeta! Huwag ninyong pigilan! Sabihin ninyo sa aking mga mamamayan na lahi ni Jacob ang kanilang mga kasalanan at mga pagsuway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:9

Pero sinabi niya sa akin, “Huwag! Huwag mo akong sambahin. Sapagkat katulad mo, alipin din ako ng Dios at ng mga katulad mong propeta, at ng lahat ng sumusunod sa mga nakasulat sa aklat na ito. Ang Dios ang sambahin mo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 3:17

“Anak ng tao, ginawa kitang bantay ng mga mamamayan ng Israel. Kaya ang anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:15

Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:37

“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na sinugo ng Dios sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin at alagaan gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, pero ayaw ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:49

Kaya ito ang sinabi ng Dios ayon sa karunungan niya, ‘Magpapadala ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; papatayin nila ang ilan sa mga ito at uusigin ang iba.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 11:27-28

Nang panahong iyon, may mga propeta sa Jerusalem na pumunta sa Antioc. Ang pangalan ng isa sa kanila ay si Agabus. Tumayo siya at nagpahayag sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na may darating na matinding taggutom sa buong mundo. (Nangyari ito sa panahon ni Claudius na Emperador ng Roma.)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 21:10-11

Pagkaraan ng ilang araw, dumating ang propetang si Agabus mula sa Judea. Pinuntahan niya kami at kinuha ang sinturon ni Pablo, at itinali sa kanyang mga paa at mga kamay. At sinabi niya, “Ayon sa Banal na Espiritu, ganito ang gagawin ng mga Judio sa Jerusalem sa may-ari ng sinturong ito, at siyaʼy ibibigay nila sa mga hindi Judio.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 17:1

May isang propeta na ang pangalan ay Elias. Nakatira siya sa Tisbe na sakop ng Gilead. Sinabi niya kay Ahab, “Tinitiyak ko sa iyo, sa harap ng buhay na Panginoon, ang Dios ng Israel na aking pinaglilingkuran, na wala ni hamog o ulan na darating sa loob ng ilang taon hanggaʼt hindi ko sinasabi na umulan o humamog.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 4:27

Pero pagdating niya kay Eliseo sa bundok, lumuhod siya at hinawakan ang paa ni Eliseo. Lumapit si Gehazi para hilahin ang babae palayo. Pero sinabi ni Eliseo, “Hayaan mo siya! May dinaramdam siya, pero hindi sinabi sa akin ng Panginoon kung bakit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 36:16

Pero hinamak nila ang mga propeta ng Dios, pinagtawanan, at binalewala ang kanilang mga mensahe. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanila, at wala nang makakapigil sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 14:14

Sumagot ang Panginoon, “Ang mga propetang iyan ay nanghuhula ng kasinungalingan sa pangalan ko. Hindi ko sila sinugo at hindi ako nagsalita sa kanila. Hindi galing sa akin ang mga pangitaing sinasabi nila sa inyo; walang kabuluhan at mga kathang-isip lang ang mga inihuhula nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 13:1-3

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Inililigaw ng mga propetang ito ang aking mga mamamayan sa pagsasabing maayos ang lahat, pero hindi naman. Parang tinatapalan lang ng apog at putik ang mahinang pader na itinatayo ng mga mamamayan. Sabihin mo sa mga nagtapal na mawawasak ang pader na ito, dahil darating ang malakas na bagyo at uulan ng yelong kasing tigas ng bato na wawasak sa pader na ito. At kapag nawasak na ito, magtatanong ang mga tao sa kanila, ‘Ano ang naitulong ng itinapal ninyo?’ “Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Sa tindi ng galit ko, wawasakin ko ang pader sa pamamagitan ng malakas na bagyo, pag-ulan ng yelo na kasing tigas ng bato, at malakas na ulan. Oo, wawasakin ko ang pader na tinapalan ninyo ng apog at putik. Wawasakin ko ito hanggang sa lumabas ang pundasyon nito. At kapag nawasak na ito, babagsakan kayo at mamamatay. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon. Ipadarama ko ang galit ko sa pader at sa mga nagtapal dito. At ipamamalita ko na wala na ang pader at ang mga nagtapal nito, na walang iba kundi ang mga propeta ng Israel na humula na magiging maayos ang kalagayan ng Jerusalem, pero kasinungalingan naman. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito. “Ngayon naman, anak ng tao, magsalita ka laban sa mga babaeng nanghuhula mula sa sarili nilang isipan. Sabihin mo sa kanilang ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi: Nakakaawa kayo, kayong mga babaeng bumibiktima sa mga mamamayan ko, maging mga bata o matatanda sa pamamagitan ng mga anting-anting ninyo. Nilalagyan ninyo sila ng mga anting-anting na pulseras sa kanilang kamay at belo sa mga ulo. Binibiktima ninyo ang mga mamamayan ko para sa pansarili ninyong kapakinabangan. Nilalapastangan ninyo ako sa harap ng mga mamamayan ko para lang sa kaunting sebada at ilang tinapay. Sa pamamagitan ng pagsisinungaling ay sinasabi ninyong mamamatay ang hindi dapat mamatay at hindi mamamatay ang dapat mamatay. At naniniwala naman ang mga mamamayan ko sa kasinungalingan ninyo. “Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bulaang propeta ng Israel na nanghuhula mula sa sarili nilang isipan. Sabihin mo na pakinggan nila ang mensahe kong ito: “Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabing: Labis akong nagagalit sa mga anting-anting na ginagamit ninyo para biktimahin ang mga tao na parang mga ibong nahuli sa bitag. Hahablutin ko ang mga anting-anting ninyo sa kamay at palalayain ko ang mga taong hinuli ninyo na parang ibon. Pupunitin ko rin ang mga belo ninyo at ililigtas ko ang mga mamamayan mula sa mga kamay ninyo, hindi nʼyo na sila mabibiktimang muli. At malalaman ninyong ako ang Panginoon. “Pinalungkot ninyo ang mga matuwid sa pamamagitan ng inyong kasinungalingan, na kahit ako ay hindi sila nabigyan ng kalungkutan. Pinalakas ninyo ang loob ng masasama na ipagpatuloy ang kasamaan nila sa pamamagitan ng mga pangakong maliligtas sila sa kamatayan. Kaya mawawala na ang mga hindi totoong pangitain at panghuhula ninyo. Ililigtas ko ang mga mamamayan ko mula sa inyong mga kamay. At malalaman ninyong ako ang Panginoon.” Ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing nakakaawa ang mga hangal na propetang nanghuhula mula sa sarili nilang isipan, at wala silang nakikitang mga pangitain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 3:6-8

“Dahil iniligaw ninyo ang aking mga mamamayan, hindi na kayo magkakaroon ng mga pangitain at hindi na kayo makapanghuhula. Para kayong nasa dilim na wala kayong makikita. Mapapahiya kayong mga propeta at manghuhula. Magtatakip kayo ng mukha sa sobrang hiya, dahil wala na kayong natatanggap na mensahe mula sa Dios.” Pero ako ay puspos ng Espiritu ng Panginoon na siyang nagbibigay sa akin ng kapangyarihan para maipatupad ko ang katarungan, at nagpapalakas ng loob ko para masabi sa mga mamamayan ng Israel at Juda na nagkasala sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:10

Kayong mga pinuno at mga mamamayan ng Jerusalem na katulad ng mga taga-Sodom at Gomora, pakinggan ninyo ang salita at kautusan ng Panginoon na ating Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:10

Sinabi nila sa mga propeta, ‘Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tungkol sa mga pahayag ng Dios sa inyo. Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tama. Sabihin nʼyo sa amin ang mga bagay na makapagpapasaya sa amin at mga pangitain na hindi mangyayari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 12:2

“Anak ng tao, naninirahan kang kasama ng mga rebeldeng mamamayan. May mga mata sila pero hindi nakakakita, may mga tainga pero hindi nakakarinig, dahil sila ay mga rebelde.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 2:12

Pero ano ang ginawa ninyo? Pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo at pinagbawalan ninyo ang mga propeta na sabihin ang ipinapasabi ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 1:6

Ngunit nangyari sa inyong mga ninuno ang aking mga sinabi at mga babala sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta. Kaya nagsisi sila at sinabi, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoong Makapangyarihan ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:15

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:26

pero ipinahayag na ngayon sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta. Itoʼy ayon sa utos ng walang kamatayang Dios, para ang lahat ng tao ay sumampalataya at sumunod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:5

O Dios, alam nʼyo ang aking kahangalan; hindi lingid sa inyo ang aking mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:40-42

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa kanyang pagkapropeta ay makakatanggap ng gantimpalang naaayon para sa isang propeta. At ang tumatanggap sa matuwid na tao dahil sa kanyang pagkamatuwid ay makakatanggap ng gantimpalang naaayon para sa matuwid na tao. At ang sinumang magbibigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa pinakahamak kong tagasunod ay tiyak na makakatanggap ng gantimpala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:76

Sinabi naman ni Zacarias sa anak niya, “Ikaw naman, anak ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Dios, dahil mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang mga tao sa kanyang pagdating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:16

Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Dios. Sinabi nila, “Inalala tayo ng Dios. Isinugo niya sa atin ang isang dakilang propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:19

Nagtanong si Jesus sa kanila, “Bakit, ano ang mga nangyari?” At sumagot sila, “Ang nangyari kay Jesus na taga-Nazaret. Isa siyang propetang makapangyarihan sa paningin ng Dios at ng mga tao. At pinatunayan ito ng mga gawa at aral niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:43

Si Jesu-Cristo ang tinutukoy ng lahat ng propeta nang ipahayag nila na ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:28

At sa katawang ito, na walang iba kundi ang iglesya, naglagay ang Dios ng mga sumusunod: una, mga apostol; pangalawa, mga propeta; pangatlo, mga guro. Naglagay din siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling sa mga may sakit, mga matulungin, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:1

Mula kay Pablo na isang apostol, kasama ang lahat ng kapatid dito. Ang pagka-apostol ko ay hindi galing sa tao o sa pamamagitan ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at ng Dios Ama na muling bumuhay sa kanya mula sa kamatayan. Mahal kong mga kapatid sa mga iglesya diyan sa Galacia:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11

Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:32-34

Kailangan ko pa bang magbigay ng maraming halimbawa? Kakapusin ako ng panahon kung iisa-isahin ko pa ang mga ginawa nina Gideon, Barak, Samson, Jefta, David, Samuel, at ng iba pang mga propeta. Dahil sa pananampalataya nila, nilupig nila ang mga kaharian, namahala sila nang may katarungan, at tinanggap nila ang mga ipinangako ng Dios. Dahil sa pananampalataya nila, hindi sila ginalaw ng mga leon, hindi sila napaso sa nagliliyab na apoy, at nakaligtas sila sa kamatayan sa pamamagitan ng espada. Ang iba sa kanilaʼy mahihina, pero pinalakas sila ng Dios. At naging makapangyarihan sila sa digmaan at nilupig ang mga dayuhang hukbo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 44:1

O Dios, narinig namin mula sa aming mga ninuno ang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan. Matagal nang panahon ang lumipas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:37

Tingnan mo ang taong totoo at matuwid. May magandang kinabukasan at may tahimik na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:1

Sinong naniwala sa aming ibinalita? At kanino inihayag ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:31

Mga mamamayan ng Israel, bakit gusto ninyong mamatay? Tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan at baguhin na ang inyong pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:1

Makinig kayo sa sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo. At ang Panginoon na inyong hinihintay ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang inyong pinakahihintay na sugo na magsasagawa ng aking kasunduan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 26:2-3

Nang panahon ding iyon, may isa pang nagsalita tungkol sa ipinapasabi ng Panginoon. Siyaʼy si Uria na anak ni Shemaya na taga-Kiriat Jearim. Nagsalita rin siya laban sa lungsod at sa bansang ito katulad ng sinabi ni Jeremias. Nang marinig ni Haring Jehoyakim at ng lahat ng pinuno at tagapamahala niya ang sinabi ni Uria, pinagsikapan nilang patayin ito. Pero nalaman ito ni Uria, kaya tumakas siya papuntang Egipto dahil sa takot. Ngunit inutusan ni Haring Jehoyakim si Elnatan na anak ni Acbor at ang iba pang mga tao na pumunta sa Egipto. Kinuha nila si Uria roon sa Egipto at dinala kay Haring Jehoyakim, at ipinapatay nila ito sa pamamagitan ng espada, at ipinatapon ang bangkay niya sa libingan para sa mga pangkaraniwang tao. Pero si Jeremias ay tinulungan ni Ahikam na anak ni Shafan, kaya hindi siya napatay ng mga tao. Baka sakaling makinig sila sa iyo at tumalikod sa masama nilang pag-uugali. Kapag ginawa nila ito, hindi ko na itutuloy ang kaparusahang pinaplano ko sa kanila dahil sa masasamang ginagawa nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 117:1

Purihin nʼyo at parangalan ang Panginoon, kayong lahat ng mamamayan ng mga bansa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:16

Lumapit kayo sa akin at pakinggan ito: Mula pa ng pasimula hindi ako nagsalita nang lihim. Sa panahon na nangyari ang sinabi ko, naroon ako.” At ngayon sinugo ako ng Panginoong Dios at ng kanyang Espiritu na sabihin ito:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 4:6

“Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito, kaya tinatanggihan ko rin kayo bilang mga pari ko. Kinalimutan ninyo ang Kautusan ko kaya kalilimutan ko rin ang mga anak ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 33:33

Ngunit kapag nangyari na sa kanila ang parusang ito, at tiyak na mangyayari ito sa kanila, malalaman nila na totoong may kasama silang propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 3:19-20

Patuloy na pinapatnubayan ng Panginoon si Samuel habang siyaʼy lumalaki. Niloob ng Panginoon na matupad ang lahat ng sinabi ni Samuel. Isang gabi, natutulog si Eli sa kanyang kwarto. Hindi na siya gaanong nakakakita. Kaya kinilala si Samuel na propeta ng Panginoon mula Dan hanggang sa Beersheba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 74:9

Wala nang palatandaan na kasama namin kayo. Wala nang propetang naiwan at walang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang mga nangyayaring ito sa amin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:24

Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang propetang tinatanggap sa sarili niyang bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:28

Ipinapapatay noon nang walang awa ang lumalabag sa Kautusan ni Moises, kapag napatunayan ng dalawa o tatlong saksi ang paglabag niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:32

Ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay dapat may pagpipigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:31

Ang mga propeta ay nagpapahayag ng kasinungalingan. Ang mga pari ay namamahala ayon sa sarili nilang kapangyarihan. At ito ang gusto ng mga mamamayan ko. Pero ano ang gagawin nila kapag dumating na ang katapusan?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 33:7

“Ikaw, anak ng tao ay pinili kong maging bantay ng mga mamamayan ng Israel. Kaya pakinggan mo ang sasabihin ko, at pagkatapos ay bigyang babala mo ang mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 3:8

Sino ang hindi matatakot kung umaatungal na ang leon? Sino kaya ang hindi magpapahayag ng mensahe ng Panginoong Dios kung ang Panginoong Dios na mismo ang nagsasalita sa kanya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:3

May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:70

Itoʼy ayon sa ipinangako niya noon pang unang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:6

Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao. Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:15

At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan, “Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:89

Panginoon, ang salita mo ay mananatili magpakailanman; hindi ito magbabago tulad ng kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 2:5

Makinig man ang mga rebeldeng ito o hindi, malalaman naman nila na may propeta pala sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:1

Pumapasok sa puso ng masamang tao ang tukso ng pagsuway, kaya wala man lang siyang takot sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 7:52

Walang propeta sa kanilang kapanahunan na hindi nila inusig. Ang mga nagpahayag tungkol sa pagdating ng Matuwid na Lingkod ay pinatay nila. At pagdating dito ni Jesus, kayo ang siyang nagkanulo at pumatay sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:8

Sumpain nawa ng Dios ang sinuman – kami o maging isang anghel galing sa langit – na mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa ipinangaral namin sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:25

ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.” At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:2

Ang Magandang Balitang itoʼy ipinangako ng Dios noon sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Kasulatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:21

Sapagkat hindi galing sa sarili nilang kalooban ang mga ipinangaral nila kundi sa Banal na Espiritu na nag-udyok sa kanila upang sabihin ang salita ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:16

“Mga kapatid, kinakailangang matupad ang sinasabi ng Kasulatan na ipinahayag ng Banal na Espiritu noong una sa pamamagitan ni David. Ito ay tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:13

Ako ang magtuturo sa iyong mga mamamayan, at magiging mabuti ang kanilang kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 3:5

Ito naman ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa mga propetang nanlinlang sa kanyang mga mamamayan, na nangangako ng mabuting kalagayan sa mga nagpapakain sa kanila, pero binabantaan nila ng kapahamakan ang ayaw magpakain sa kanila:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 28:9

Pero ang propetang magsasabi ng kapayapaan ay dapat mapatunayan. Kung mangyayari ang sinasabi niyang kapayapaan, kikilalanin siyang tunay na propeta ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5

Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon na kanyang Dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:10

Nalulugod ako sa Panginoon kong Dios, dahil para niya akong binihisan ng kaligtasan at tagumpay. Para akong lalaking ikakasal na may suot na katulad ng magandang damit ng pari, o babae sa kasal na may mga alahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:21-22

Ang Dios ang nagpapatibay sa atin, at sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Pinili niya tayo para maglingkod sa kanya. Tinatakan niya tayo bilang tanda na tayoʼy nasa kanya na. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang Banal na Espiritu sa ating mga puso. Ang Banal na Espiritu ang nagsisilbing garantiya na matatanggap natin ang kanyang mga ipinangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 77:20

Sa pamamagitan nina Moises at Aaron, pinatnubayan nʼyo ang inyong mga mamamayan na parang mga tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 11:10

Matutuwa ang mga tao sa buong mundo dahil sa pagkamatay ng dalawang propeta. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo dahil namatay na ang dalawang iyon na nagpahirap sa mga tao sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Minamahal na Ama sa Langit, ang lahat ng iyong ginagawa ay mabuti, wala kang pagkakamali, ni anino man ng pagbabago. Ikaw ay nananahan sa walang hanggan, tatlong beses na banal, nadaramtan ng kadakilaan at kamahalan. Sa araw na ito, ang lahat ng papuri ay sa'yo, sapagkat ikaw ay karapat-dapat na dakilain. Sinamba kita dahil sa kung sino ka, sinasamba kita dahil sa lahat ng iyong ginawa at gagawin pa. Nagpapasalamat ako sa paggamit mo sa iyong mga lingkod na propeta upang magdala ng liwanag at patnubay sa iyong bayan. Dalangin ko na pagpalain mo sila, ingatan, at patuloy na gamitin bilang mahalagang instrumento sa iyong mga kamay. Nawa'y ang lahat ng kanilang mga salita ay mula sa'yo at hindi nakabatay sa kanilang sariling damdamin. Ilayo mo sila sa kanilang sariling karunungan at panatilihin silang matatag sa iyong mga batas at prinsipyo. Nawa'y walang makapaglihis sa kanila sa iyong salita, at maging matatag at determinado sila sa lahat ng iyong ipinagagawa. Itago mo sila sa iyong ligtas na kanlungan sapagkat araw-araw nilang kailangan ang iyong presensya. Dalangin ko na pagpalain mo ang kanilang landas at bigyan sila ng mabuting kalusugan. Patuloy mo silang bigyan ng lakas upang magpatuloy. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas