Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


150 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kadakilaan ng Diyos

150 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kadakilaan ng Diyos


Mga Awit 145:3

Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Ang inyong kadakilaan ay hindi kayang unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:17

Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ay Dios ng mga dios at Panginoon ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Dios. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:11

Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:17

“O Panginoong Dios, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:28

Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo? Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:5

Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:11

O Panginoon, sino po ba ang dios na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:4

Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang igalang ng higit sa lahat ng mga dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:12

Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang mga palad, o makakasukat ng langit sa pamamagitan ng pagdangkal nito? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:1

Pupurihin ko ang Panginoon! Panginoon kong Dios, kayo ay dakila sa lahat. Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:4-5

Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa, ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan. Walang katulad ang Panginoon na ating Dios, na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:2

Walang ibang banal maliban sa Panginoon. Wala siyang katulad. Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:8-9

Sinabi ng Panginoon, “Ang pag-iisip ko ay hindi katulad ng pag-iisip ninyo at ang pamamaraan ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo. Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:33-34

Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan! Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Sino kaya ang makakaunawa sa kaisipan ng Panginoon? Sino kaya ang makakapagpayo sa kanya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:15-16

Sa takdang panahon, ihahayag siya ng dakila at makapangyarihang Dios, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. Siya lang ang walang kamatayan, at nananahan sa di-malapit-lapitang liwanag. Hindi siya nakita o maaaring makita ninuman. Sa kanya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:15

Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Dios, ang Banal na Dios na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para silaʼy palakasin ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 36:26

Tunay na makapangyarihan ang Dios at hinding-hindi natin kayang unawain ang kanyang kadakilaan. Kahit ang kanyang mga taon ay hindi natin mabibilang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:6

“Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel, ang Panginoong Makapangyarihan: Ako ang simula at wakas ng lahat. Maliban sa akin ay wala nang iba pang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:8

Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoong malakas at matatag sa pakikipaglaban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:19

Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 4:35

Balewala ang mga tao sa mundo kung ikukumpara sa kanya. Ginagawa niya ang nais niya sa mga anghel sa langit at sa mga tao sa lupa. Walang makakatutol o makakahadlang sa kanya.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:19-21

Ipinapanalangin ko rin na malaman nʼyo ang napakadakilang kapangyarihan ng Dios para sa ating mga sumasampalataya sa kanya. Ang kapangyarihan ding ito ang ginamit niya nang buhayin niyang muli si Cristo at nang paupuin sa kanyang kanan sa langit. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. Ang titulo niya ay hindi mapapantayan ninuman, hindi lang sa panahong ito kundi sa darating pang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 9:6

Ikaw lang po ang Panginoon. Ginawa nʼyo ang kalangitan, ang lupa, ang dagat, at ang lahat ng mga naroroon. Binigyan nʼyo po ng buhay ang lahat ng inyong nilikha, at sinasamba kayo ng mga anghel sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 26:14

Mga simpleng bagay lang ito para sa kanya. Parang isang bulong lang na ating napakinggan. Sino ngayon ang makakaunawa sa kapangyarihan ng Dios?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:13

Mula pa noon ako na ang Dios. Walang makakatakas sa aking mga kamay. Walang makakapagbago ng mga ginagawa ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:1-3

O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway. Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:6

Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, ang langit ay nalikha; sa kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:3

Sa kanya makikita ang nagniningning na kadakilaan ng Dios, at kung ano ang Dios ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kanan ng Makapangyarihang Dios doon sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:6-7

O Panginoon, wala po kayong katulad. Makapangyarihan kayo at dakila ang pangalan. Sino po ang hindi matatakot sa inyo, O Hari ng mga bansa? Karapat-dapat lang na igalang kayo. Wala po kayong katulad sa lahat ng matalino na mula sa ibaʼt ibang bansa, o sa lahat ng hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:6-7

Walang sinuman doon sa langit ang katulad nʼyo, Panginoon. Sino sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon? Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga, at silang lahat na nakapalibot sa inyoʼy may malaking takot sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:1

Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:6

Dumaan ang Panginoon sa harap ni Moises at sinabi, “Ako ang Panginoon, ang mahabagin at matulunging Dios. Mapagmahal at matapat ako, at hindi madaling magalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 6:3

Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:8-9

Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin; hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. Panginoon, mabuti kayo sa lahat; nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:13

Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:1-4

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala. kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan. Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi; kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag. Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami. Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao! Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip. Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo. Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan. Panginoon, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo. Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo. Labis ko silang kinamumuhian; ibinibilang ko silang mga kaaway. O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman. Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam nʼyo na ang aking sasabihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:5-7

Ako ang Panginoon, at wala nang iba pa; maliban sa akin ay wala nang ibang Dios. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala para malaman ng lahat sa buong mundo na walang ibang Dios maliban sa akin. Ako ang Panginoon at wala nang iba pa. Ako ang lumikha ng liwanag at ng dilim. Ako ang nagpapadala ng kabutihan at ng kapahamakan. Ako ang Panginoon na gumawa ng lahat ng ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 4:11

“Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Dios na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, dahil kayo ang lumikha sa lahat ng bagay. At ginawa ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:1

Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 77:13-14

O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo. Kayo ang Dios na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:22

Nilikha ito ng Dios na nakaupo sa kanyang trono sa itaas ng mundo. Sa paningin niya, ang mga tao sa ibaba ay parang mga tipaklong lamang. Iniladlad niya ang langit na parang kurtina, o parang isang tolda para matirhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:2

Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok at ang mundo, kayo ay Dios na, at kayo pa rin ang Dios hanggang sa katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:20-22

Sinabi niya, “Purihin ang Dios magpakailanman. Siya ay matalino at makapangyarihan. Siya ang nagbabago ng panahon. Siya ang nagpapasya kung sino ang maghahari at siya rin ang nag-aalis sa kanila sa trono. Siya ang nagbibigay ng karunungan sa marurunong. Ipinapaliwanag niya ang mahihiwagang bagay na mahirap intindihin. Nasa kanya ang liwanag, at nalalaman niya ang anumang nasa kadiliman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:3

Sabihin ninyo sa kanya, “O Dios, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan, luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:20

Totoong hindi nakikita ang Dios, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Dios ay naipahayag sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:30

Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:9

Sapagkat gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain o bilangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:5

Panginoon kong Dios, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:2

Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:9

Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Dios ay naghahari sa buong mundo. Higit kayong dakila kaysa sa lahat ng mga dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:10

Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:11

Ako lang ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang iba pang Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 33:2-3

Ito ang sinasabi ng Panginoong lumikha ng mundo at naghugis nito –  Panginoon ang pangalan niya: “Kung paanong hindi na mababago ang kasunduan ko sa araw at sa gabi na lalabas sila sa takdang oras, ganyan din ang kasunduan ko kay David na lingkod ko, na palaging magkakaroon ng hari na manggagaling sa angkan niya. At ganoon din sa mga paring Levita, maglilingkod pa rin sila sa akin. Pararamihin ko ang mga angkan ni David at mga Levita katulad ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.” Sinabi pa ng Panginoon kay Jeremias, “Hindi mo ba narinig na kinukutya ng mga tao ang mga mamamayan ko? Sinasabi nila, ‘Itinakwil ng Panginoon ang dalawang kaharian na hinirang niya.’ Kaya hinahamak nila ang mga mamamayan ko at hindi na nila ito itinuturing na bansa. Pero sinasabi ko na hindi na mauulit ang aking kasunduan sa araw at sa gabi, at ang aking mga tuntunin na naghahari sa langit at lupa, mananatili rin ang aking kasunduan sa mga lahi ni Jacob at kay David na lingkod ko. Hihirang ako mula sa angkan ni David na maghahari sa mga lahi nina Abraham, Isaac at Jacob. Kahahabagan ko sila at pababalikin sa kanilang sariling lupain mula sa pagkabihag.” “Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:6-7

Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin? Kasama ko ang Panginoon, siya ang tumutulong sa akin. Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:25

Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:1-3

Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios. Naparito siya sa mundo. At kahit na nilikha ang mundo sa pamamagitan niya, hindi siya kinilala ng mundo. Pumunta siya sa sarili niyang mga kababayan, pero tinanggihan siya ng karamihan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios. Naging anak sila ng Dios hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ng Dios. Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya. Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko, mas dakila siya kaysa sa akin, dahil nariyan na siya bago pa ako ipanganak.’ ” Sa kasaganaan ng kanyang biyaya ay tumanggap tayong lahat ng sunud-sunod na pagpapala. Ibinigay sa atin ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at katotohanan ay napasaatin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Wala pang nakakita sa Dios Ama kahit kailan, ngunit ipinakilala siya sa atin ng kanyang Bugtong na Anak, na Dios din nga at kapiling ng Ama. Pinapunta ng mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang mga pari at Levita upang tanungin si Juan kung sino talaga siya. Tinapat sila ni Juan. Sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.” Sa simula paʼy kasama na siya ng Dios. Nagtanong sila, “Kung ganoon, sino ka? Ikaw ba si Propeta Elias?” Sumagot siya, “Hindi.” Tinanong pa nila si Juan, “Ikaw ba ang Propeta na ipinangakong darating?” “Hindi rin,” sagot ni Juan. “Kung ganoon, sino ka talaga? Sabihin mo sa amin para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?” Sumagot si Juan, “Ako ang taong binanggit ni Propeta Isaias nang sabihin niya, ‘Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang na nagsasabi, Tuwirin ninyo ang dadaanan ng Panginoon.’ ” Ang mga nagsugo sa mga taong pumunta kay Juan ay mga Pariseo. Tinanong nila ulit si Juan, “Bakit ka nagbabautismo kung hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?” Sumagot si Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit may nakatayong kasama ninyo na hindi ninyo nakikilala. Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, at ni hindi man lang ako karapat-dapat na maging alipin niya.” Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog ng Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan. Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito na ang Tupa ng Dios na ihahandog upang mag-alis ng kasalanan ng mga tao sa mundo! Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 48:1

Dakila ang Panginoon na ating Dios, at karapat-dapat na papurihan sa kanyang bayan, ang kanyang banal na bundok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 9:6

Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:8

Si Jesu-Cristo ay hindi nagbabago. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 7:18-19

Wala na pong ibang Dios na tulad ninyo. Pinatawad nʼyo ang kasalanan ng mga natitirang mamamayan na pag-aari ninyo. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami. Muli nʼyo kaming kaawaan at alisin nʼyo po ang lahat naming mga kasalanan. Yurakan nʼyo ito at itapon sa kailaliman ng dagat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 3:14

Sumagot ang Dios kay Moises, “Ako nga ang Dios na ganoon pa rin. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ang Dios na ganoon pa rin ang nagpadala sa akin.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:27

Sumagot si Jesus, “Ang imposible sa tao ay posible sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:8

Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o sa mga dios-diosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 29:4

Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:10

Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:8

Ang Panginoong Dios ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:4

Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalaman at ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20-21

Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin. Purihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Cristo Jesus. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:27

Nasa kanya ang kaluwalhatian at karangalan; ang kalakasan at kagalakan ay nasa kanyang tahanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:6

Itinatag nʼyo ang mga bundok sa pamamagitan ng inyong lakas. Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 9:4

Marunong at makapangyarihan ang Dios. Sino ang nakipaglaban sa kanya at nagtagumpay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:24

Walang sinumang makapagtatago sa akin kahit saan mang lihim na lugar na hindi ko nakikita. Hindi nʼyo ba alam na akoʼy nasa langit, nasa lupa at kahit saan? Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:24

Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo: Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:21

Huwag kayong matakot sa kanila dahil kasama ninyo ang Panginoon na inyong Dios; ang makapangyarihan at kamangha-manghang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:2-3

Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo. Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:4

Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:8

Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag, pero ang salita ng ating Dios ay mananatili magpakailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 93:1

Kayo ay hari, Panginoon; nadadamitan ng karangalan at kapangyarihan. Matatag ninyong itinayo ang mundo kaya hindi ito mauuga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:36

Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:3

Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:29

dahil kapag nagparusa ang ating Dios, itoʼy parang apoy na nakakatupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nahum 1:3

Ang Panginoon ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:5

Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa, dahil dakila ang inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:10

Ipapakita ng Panginoon ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:24

Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 37:23

Hindi natin lubos na maunawaan ang Makapangyarihang Dios na napakadakila. Lubos siyang makatarungan, matuwid at hindi nang-aapi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:27

“Pero makakapanahan po ba talaga kayo, O Dios, dito sa mundo? Ni hindi nga po kayo magkasya kahit sa pinakamataas na langit, dito pa kaya sa templo na ipinatayo ko?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-14

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:12

Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:2

Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:24

Ang Dios ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:1-2

Ang Panginoong Dios na makapangyarihan ay nagsasalita at nananawagan sa lahat ng tao sa buong mundo. Sapagkat akin ang lahat ng hayop: ang mga hayop sa gubat at ang mga baka sa libu-libong mga burol. Kilala ko rin ang lahat ng ibon sa mga bundok, at ang lahat ng hayop sa parang ay akin. Kung magutom man ako, hindi ako hihingi sa inyo ng pagkain, dahil ang daigdig at ang lahat ng nasa loob nito ay akin. Kumakain ba ako ng karne ng toro? Hindi! Umiinom ba ako ng dugo ng kambing? Hindi! Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo sa akin na Kataas-taasang Dios. Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.” Ngunit sinabi ng Dios sa mga masama, “Wala kayong karapatang banggitin ang aking mga kautusan at kasunduan! Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina. Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko. Kapag nakakita kayo ng magnanakaw, nakikipagkaibigan kayo sa kanya at nakikisama rin kayo sa mga nakikiapid. Lagi kayong nagsasalita ng masama at kay dali para sa inyong magsinungaling. Nagliliwanag siya mula sa Zion, ang magandang lungsod na walang kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:15-17

Para sa Panginoon, ang mga bansa ay para lamang isang patak ng tubig sa timba o alikabok sa timbangan. Sa Dios, ang mga pulo ay parang kasinggaan lamang ng alikabok. Ang mga hayop sa Lebanon ay hindi sapat na ihandog sa kanya at ang mga kahoy doon ay kulang pang panggatong sa mga handog. Ang lahat ng bansa ay balewala kung ihahambing sa kanya. At para sa kanya walang halaga ang mga bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:4

Siya ang Bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan. Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan siya at maaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:7-9

Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw at nagbibigay liwanag sa kaisipan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos niya ay matuwid at makatarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 93:4

Ngunit Panginoong nasa langit, higit kayong makapangyarihan kaysa sa mga nagngangalit na alon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 14:14

Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:27

Purihin natin ang Dios na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:13

“Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa kanya rin ang kapangyarihan, at siya lang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:13

Umawit ka sa tuwa, O langit. At magalak ka, O mundo! Umawit kayo, kayong mga bundok. Sapagkat kaaawaan at aaliwin ng Panginoon ang kanyang mga mamamayang nahihirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:8-9

O Panginoong Dios na Makapangyarihan, wala kayong katulad; makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa. Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat, pinatatahimik nʼyo ang mga malalaking alon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:14

“Sa Panginoon na inyong Dios ang kalangitan, kahit ang pinakamataas na langit, pati ang mundo at lahat ng narito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:37

Sapagkat walang imposible sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:8

Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila, upang kayo ay maparangalan at maipakita ang inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 33:18-19

Sinabi ni Moises, “Ipakita po ninyo sa akin ngayon ang makapangyarihang presensya ninyo.” Sumagot ang Panginoon, “Ipapakita ko sa iyo ang lahat ng kabutihan ko, at ipapaalam ko sa iyo ang pangalan ko, ang Panginoon. Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:4

Sino ang gumawa ng lahat ng ito? Sino ang nagpanukala ng lahat ng mga mangyayari mula pa noong unang henerasyon? Hindi baʼt ako? Akong Panginoon ay naroon noong sinimulan ang mundo, at naroroon din ako hanggang sa katapusan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 7:22

“Panginoong Dios, dakila kayo. Wala po kayong katulad. Walang ibang Dios maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na dios na gaya ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 9:5

At ang mga Levita na tumawag sa mga tao para sumamba ay sina: Jeshua, Kadmiel, Bani, Hashabneya, Sherebia, Hodia, Shebania, at Petahia. Sabi nila, “Tumayo kayo at purihin ang Panginoon na inyong Dios na walang hanggan!” Pagkatapos, sinabi nila, “O Panginoon, kapuri-puri po ang inyong pagiging makapangyarihan! Hindi ito mapapantayan ng aming pagpupuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:17

Ibabagsak nga niya ang mayayabang at mga mapagmataas. Tanging ang Panginoon ang maitataas sa araw na iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:5-6

Alam kong ang Panginoon ay higit na dakila kaysa sa alinmang dios-diosan. Ginagawa ng Panginoon ang anumang nais niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:60

para malaman ng lahat ng bayan sa buong mundo na ang Panginoon ay siyang Dios at wala nang iba pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:6

para sa atin iisa lamang ang Dios, ang ating Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at nabubuhay tayo para sa kanya. At may iisang Panginoon lamang, si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya ay nabubuhay tayo ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:39

“Kaya kilalanin ninyo ang araw na ito at itanim sa inyong mga puso na ang Panginoon ay Dios sa langit at sa lupa, at wala nang iba pang dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:18

Kayo Panginoon ang Dios. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para matirhan. Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:6

“Dakila ang kapangyarihan nʼyo, O Panginoon; sa pamamagitan nito, dinurog nʼyo ang inyong mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:11

Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman, at ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:2

“Alam ko pong magagawa nʼyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 102:25-27

Sa simula, kayo ang lumikha ng mundo at ng kalangitan. Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili kayo magpakailanman. Maluluma itong lahat tulad ng damit. At gaya ng damit, itoʼy inyong papalitan. Ngunit hindi kayo magbabago, at mananatili kayong buhay magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 51:15

Nilikha ng Dios ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan at karunungan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:13

Ako ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang nagladlad ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, itoʼy sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:17

Purihin at dakilain magpakailanman ang Haring walang hanggan at walang kamatayan – ang di-nakikita at nag-iisang Dios. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:13-14

Ang lakas nʼyo ay walang kapantay, at ang inyong kanang kamay ay nakataas at napakamakapangyarihan! Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Gumuho man ang mga burol at bundok, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mawawala, maging ang kasunduan ko sa iyo na ilalagay kita sa magandang kalagayan. Ako, ang Panginoong naaawa sa iyo, ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 93:2

Ang inyong trono ay naitatag na simula pa noong una, naroon na kayo noon pa man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 19:6

Pagkatapos, muling may narinig ako, parang ingay ng napakaraming tao na parang lagaslas ng talon o dagundong ng malakas na kulog. Ito ang sinasabi, “Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari na ang Panginoon na ating Dios na makapangyarihan sa lahat!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:3-5

Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios. Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok. Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 33:27

Ang walang hanggang Dios ang inyong kanlungan; palalakasin niya kayo sa pamamagitan ng walang hanggan niyang kapangyarihan. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway sa inyong harapan, at iuutos niya sa inyo ang pagpapabagsak sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:3

At ito ang kahulugan ng buhay na walang hanggan: ang makilala ka ng mga tao na ikaw lang ang tunay na Dios, at makilala rin nila ako na isinugo mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:5-6

Ako ang Panginoon, at wala nang iba pa; maliban sa akin ay wala nang ibang Dios. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala para malaman ng lahat sa buong mundo na walang ibang Dios maliban sa akin. Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:4

Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Dios ang gumawa ng lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:31-32

Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo. Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 18:14

May bagay ba na hindi magagawa ng Panginoon? Tulad ng sinabi ko, babalik ako rito sa ganito ring panahon sa susunod na taon at magkakaroon ng anak na lalaki si Sara.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:3-4

Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon. Napuno ng palaka ang kanilang lupain, at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno. Nag-utos ang Dios, at dumating sa kanilang lupain ang napakaraming niknik at langaw. Sa halip na ulan ang ibinigay sa kanilang lupain, yelo ang bumagsak na may kasamang mga kidlat. Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos, at iba pang mga punongkahoy. Sa kanyang utos, dumating ang mga balang na hindi mabilang. At kinaing lahat ang kanilang mga tanim, pati ang mga bunga nito. Pinatay ng Dios ang lahat nilang panganay na lalaki. Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel sa lupain ng Egipto na wala ni isa mang napahamak, at may dala pa silang mga pilak at ginto. At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak. Natuwa ang mga Egipcio nang umalis ang mga taga-Israel, dahil takot sila sa kanila. Sa kanilang paglalakbay, naglagay ang Dios ng ulap na lililim sa kanila sa init ng araw at kung gabiʼy apoy naman upang magbigay sa kanila ng liwanag. Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 37:14-16

“Job, pakinggan mo ito, at pagbulay-bulayan ang mga kahanga-hangang bagay na ginagawa ng Dios. Alam mo ba kung paano inuutusan ng Dios ang ulap, at kung paano siya nagpapakidlat mula rito? Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap? Ang lahat ng itoʼy kahanga-hangang gawa ng Dios na ang dunong ay walang hangganan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:1

Umawit tayo ng bagong awit sa Panginoon, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang bagay! Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy tinalo niya ang ating mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1-3

Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na. Nalulugod ako sa Panginoon kong Dios, dahil para niya akong binihisan ng kaligtasan at tagumpay. Para akong lalaking ikakasal na may suot na katulad ng magandang damit ng pari, o babae sa kasal na may mga alahas. Sapagkat kung papaanong tiyak na sa lupa tumutubo ang mga binhi, ang tagumpay at katuwiran naman ay tiyak na manggagaling sa Panginoong Dios, at pupurihin siya ng mga bansa. Sinugo rin niya ako para ibalita na ngayon na ang panahon na ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan ang kanilang mga kaaway. Sinugo rin niya ako para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion, nang sa ganoon, sa halip na maglagay sila ng abo sa kanilang ulo bilang tanda ng pagdadalamhati, maglalagay sila ng langis o ng koronang bulaklak sa kanilang ulo bilang tanda ng kaligayahan. Silaʼy magiging parang matibay na puno na itinanim ng Panginoon. Kikilalanin silang mga taong matuwid sa ikakaluwalhati ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:34-35

Ipahayag ninyo ang kapangyarihan ng Dios na naghahari sa buong Israel. Ang kalangitan ang nagpapakita ng kanyang kapangyarihan. Kahanga-hanga ang Dios ng Israel habang siyaʼy lumalabas sa kanyang banal na tahanan. Binibigyan niya ng kapangyarihan at kalakasan ang kanyang mga mamamayan. Purihin ang Dios!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:12-13

Pero ang Dios ang lumikha ng langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan at karunungan niya. Sa utos niyaʼy lumalabas ang mga ulap at mga kidlat sa kalangitan, at bumubuhos ang malakas na ulan. Pinapalabas niya ang hangin mula sa pinanggagalingan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 15:3-4

Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Dios, na siya ring awit ng Tupa. Ito ang awit nila: “Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Hari kayo ng lahat ng bansa, ang mga pamamaraan ninyo ay makatarungan at tama! Sino ang hindi matatakot at hindi magpupuri sa inyo? Kayo lang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:1

Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 63:1

Sino itong dumarating mula sa Bozra na sakop ng Edom, na ang maganda niyang damit ay namantsahan ng pula? Dumarating siya na taglay ang kapangyarihan. Siya ang Panginoon na nagpapapahayag ng tagumpay ng kanyang mga mamamayan at may kapangyarihang magligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Judas 1:25

Siya lang ang Dios at ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapurihan, karangalan, kadakilaan at kapangyarihan, mula pa noong una, hanggang ngayon, at magpakailanman. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas