Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


119 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kautusan

119 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kautusan

Paano ba natin mauunawaan ang batas ng Diyos? Mahalaga ito, kasi dito nakasalalay ang ating pag-unawa kung sino Siya sa buhay natin. Sa madaling salita, ang batas ng Diyos ang gumagabay sa Kanyang pamamaraan at pundasyon ng Kanyang magiging kaharian. Ito'y banal at perpekto sa layunin, katarungan, at pagpapatupad.

Tulad ng sabi ni Apostol Pablo, ang batas ng Diyos ay "banal, at ang utos ay banal, matuwid at mabuti," at "espirituwal" din (Roma 7:12,14). Katulad din ng isinulat ni Haring David, "Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagpapanauli ng kaluluwa." At ipinaliwanag pa niya ang kagandahan at kabutihang dulot ng mga patotoo, palatuntunan, utos, at kahatulan ng Diyos, na iba't ibang anyo ng Kanyang batas (Mga Awit 19:7-11).

Ang mga batas sa Biblia ay banal na sistema ng mga utos, tuntunin, at kahatulan na dapat sundin ng bawat bansa at bawat tao, dahil ang Diyos ang lumikha sa ating lahat. Dito rin natin makikita ang tunay na kahulugan ng katarungan at kasalanan. At kung susundin natin ang mga ito, makakabuti ito para sa atin.

Kahit ano pa man ang sabihin ng iba, ang pagsunod sa batas ng Diyos ay dapat na maging kagalakan at pagpapakita ng pagmamahal natin sa Kanya. Alam nating mahirap itong gawin sa sarili nating lakas, pero kay Kristo, lahat ay posible. Tulad ng itinuro ni David sa Mga Awit, ang batas ng Diyos ay hindi pabigat. Sinulat niya, "Kundi ang kaniyang kaluguran ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kaniyang kautusan nagbubulaybulay siya araw at gabi." Nawa'y maging kaluguran din natin ang batas ng Diyos at lagi natin itong pagbulay-bulayan nang hindi lumalayo sa itinakda ng Ama para sa atin.




Mga Awit 19:7

Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:92

Kung ang inyong kautusan ay hindi nagbibigay sa akin ng kaaliwan, namatay na sana ako dahil sa pagdadalamhati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:34

Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:1-2

Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya. Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:8

Huwag kayong mananatiling may utang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 1:8

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:2

Ito ngayon ang gusto kong itanong sa inyo: Tinanggap nʼyo ba ang Banal na Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan, o dahil sumampalataya kayo sa Magandang Balita na napakinggan nʼyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:21

Hindi ko binabalewala ang biyaya ng Dios, dahil kung maituturing na matuwid ang tao sa pamamagitan ng Kautusan, walang saysay ang pagkamatay ni Cristo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:13

Nasa mundo na ang kasalanan bago pa man ibigay ng Dios ang Kautusan. Pero hindi pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kung wala namang Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:1-17

Sinabi ng Panginoon, pero ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay italaga ninyo para sa akin, ang Panginoon na inyong Dios. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon, pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga hayop, o ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo. Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit, ang lupa, ang dagat at ang lahat ng naririto, pero nagpahinga ako sa ikapitong araw. Kaya pinagpala ko ang Araw ng Pamamahinga at ginawa itong natatanging araw para sa akin. “Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ko sa inyo. “Huwag kayong papatay. “Huwag kayong mangangalunya. “Huwag kayong magnanakaw. “Huwag kayong sasaksi ng hindi totoo sa inyong kapwa. “Huwag ninyong pagnanasahan ang bahay ng inyong kapwa, o ang kanyang asawa, mga alipin, mga hayop, o alin mang pag-aari niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 24:12

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pumunta ka rito sa akin sa itaas ng bundok at maghintay, dahil ibibigay ko sa iyo ang malalapad na batong sinulatan ko ng mga kautusan at batas ko para ituro sa mga tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:12

Ang mga taong nagkakasala na walang alam sa Kautusan ni Moises ay mapapahamak, at ang kaparusahan nila ay hindi ibabatay sa Kautusan. Ang mga nakakaalam naman ng Kautusan ni Moises, pero patuloy na gumagawa ng kasamaan ay parurusahan na batay sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:14

Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:15

Ngayon, dahil wala na tayo sa ilalim ng Kautusan kundi sa biyaya na ng Dios, nangangahulugan bang magpapatuloy pa rin tayo sa paggawa ng kasalanan? Aba, hindi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:1

Mga kababayan, ang mga turo koʼy inyong pakinggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:16

Inuutusan ko kayo ngayon na mahalin ang Panginoon na inyong Dios, na mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, at sundin ang kanyang mga utos at tuntunin. Kung gagawin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal at dadami, at pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:5-7

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 8:8

Bumasa sila mula sa Aklat ng Kautusan ng Dios at ipinaliwanag ang kahulugan nito, para maunawaan ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:20

Sapagkat walang sinuman ang ituturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sa halip, ipinapakita ng Kautusan sa tao na makasalanan siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:20-21

Ibinigay ng Dios ang Kautusan para ipakita sa mga tao na marami ang kanilang pagsuway, at nadadagdagan pa nga dahil sa Kautusan. Pero kung nadadagdagan ang pagsuway, higit na nadadagdagan ang biyaya ng Dios. Kaya kung paanong naghari ang kasalanan at nagdulot ng kamatayan, ganoon din naman, naghahari ang biyaya ng Dios at nagdudulot ng buhay na walang hanggan. At dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo, itinuring tayong matuwid ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:1-2

Mapalad ang taong namumuhay nang malinis, na naaayon sa utos ng Panginoon. Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos. Higit pa ang aking pang-unawa kaysa sa matatanda, dahil sinusunod ko ang inyong mga tuntunin. Iniiwasan ko ang masamang pag-uugali, upang masunod ko ang inyong mga salita. Hindi ako lumihis sa inyong mga utos, dahil kayo ang nagtuturo sa akin. Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot. Sa pamamagitan ng inyong mga tuntunin, lumalawak ang aking pang-unawa, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng gawaing masama. Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan. Tutuparin ko ang aking ipinangako na susundin ang inyong matuwid na mga utos. Hirap na hirap na po ako Panginoon; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Tanggapin nʼyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri sa inyo, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga utos. Kahit na akoʼy palaging nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan. Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo. Ang masasama ay naglagay ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin. Ang inyong mga turo ang aking mana na walang hanggan, dahil itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan. Aking napagpasyahan na susundin ko ang inyong mga tuntunin hanggang sa katapusan. Kinamumuhian ko ang mga taong hindi tapat sa inyo, ngunit iniibig ko ang inyong mga kautusan. Kayo ang aking kanlungan at pananggalang; akoʼy umaasa sa inyong mga salita. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, upang masunod ko ang mga utos ng aking Dios. Panginoon, bigyan nʼyo ako ng kalakasan ayon sa inyong pangako upang ako ay patuloy na mabuhay; at huwag nʼyong hayaan na mabigo ako sa pag-asa ko sa inyo. Tulungan nʼyo ako upang ako ay maligtas; at nang lagi kong maituon sa inyong mga tuntunin ang aking isipan. Itinakwil nʼyo ang lahat ng lumayo sa inyong mga tuntunin. Sa totoo lang, ang kanilang panloloko ay walang kabuluhan. Itinuturing nʼyo na parang basura ang lahat ng masasama rito sa mundo, kaya iniibig ko ang inyong mga turo. Purihin kayo Panginoon! Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Nanginginig ako sa takot sa inyo; sa hatol na inyong gagawin ay natatakot ako. Ginawa ko ang matuwid at makatarungan, kaya huwag nʼyo akong pababayaan sa aking mga kaaway. Ipangako nʼyong tutulungan nʼyo ako na inyong lingkod; huwag pabayaang apihin ako ng mga mayayabang. Nagdidilim na ang aking paningin sa paghihintay sa inyong pangako na ililigtas ako. Gawin nʼyo sa akin na inyong lingkod ang naaayon sa inyong pagmamahal, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Ako ay inyong lingkod, kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa, upang maunawaan ko ang inyong mga katuruan. Panginoon, ito na ang panahon upang kayo ay kumilos, dahil nilalabag ng mga tao ang inyong kautusan. Pinahahalagahan ko ang inyong mga utos, nang higit pa kaysa sa ginto o pinakadalisay na ginto. Sinusunod ko ang lahat nʼyong mga tuntunin, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng masamang gawain. Kahanga-hanga ang inyong mga turo, kaya sinusunod ko ito nang buong puso. Paulit-ulit kong sinasabi ang mga kautusang ibinigay ninyo. Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga wala pang kaalaman. Labis kong hinahangad ang inyong mga utos. Masdan nʼyo ako at kahabagan, gaya ng lagi nʼyong ginagawa sa mga umiibig sa inyo. Patnubayan nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong mga salita, at huwag nʼyong hayaang pagharian ako ng kasamaan. Iligtas nʼyo ako sa mga nang-aapi sa akin, upang masunod ko ang inyong mga tuntunin. Ipakita nʼyo sa akin na inyong lingkod ang inyong kabutihan, at turuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin. Labis akong umiiyak dahil hindi sinusunod ng mga tao ang inyong kautusan. Matuwid kayo, Panginoon, at tama ang inyong mga paghatol. Ang inyong ibinigay na mga turo ay matuwid at mapagkatiwalaan. Labis ang aking galit dahil binalewala ng aking mga kaaway ang inyong mga salita. Nagagalak akong sumunod sa inyong mga katuruan, higit pa sa kagalakang dulot ng mga kayamanan. Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod. Kahit mahirap lang ako at inaayawan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga tuntunin. Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan. Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan. Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay. Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Tumatawag ako sa inyo; iligtas nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako. Akoʼy nagpuyat ng buong magdamag, upang pagbulay-bulayan ang inyong mga pangako. Panginoon, dinggin nʼyo ako ayon sa inyong pagmamahal; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong paghatol. Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan. Palapit na nang palapit ang masasamang umuusig sa akin, ang mga taong tumatanggi sa inyong kautusan. Ngunit malapit kayo sa akin, Panginoon; at ang inyong mga utos ay maaasahan. Sa pag-aaral ko ng inyong mga turo, naunawaan ko noon pa man na ang inyong mga katuruan ay magpapatuloy magpakailanman. Masdan nʼyo ang dinaranas kong paghihirap at akoʼy inyong iligtas, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong kautusan. Ipagtanggol nʼyo ako at iligtas, panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Hindi maliligtas ang masasama, dahil hindi nila ipinamumuhay ang inyong mga tuntunin. Napakamaawain nʼyo Panginoon; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong paghatol. Marami ang umuusig sa akin, ngunit hindi ako lumayo sa inyong mga turo. Kinasusuklaman ko ang mga hindi tapat sa inyo, dahil hindi nila sinusunod ang inyong salita. Tingnan nʼyo Panginoon kung paano ko sinusunod ang inyong mga tuntunin. Panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong tapat na pag-ibig. Magagalak ako sa inyong mga tuntunin, at ang inyong mga salitaʼy hindi ko lilimutin. Totoo ang lahat ng inyong salita, at ang inyong mga utos ay makatuwiran magpakailanman. Inuusig ako ng mga namumuno ng walang dahilan, ngunit salita nʼyo lang ang aking kinatatakutan. Nagagalak ako sa inyong mga pangako na tulad ng isang taong nakatuklas ng malaking kayamanan. Namumuhi ako at nasusuklam sa kasinungalingan, ngunit iniibig ko ang inyong kautusan. Pitong beses akong nagpupuri sa inyo bawat araw dahil matuwid ang inyong mga utos. Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal. Panginoon umaasa ako na akoʼy inyong ililigtas, at sinusunod ko ang inyong mga utos. Buong puso kong iniibig ang inyong mga turo, at itoʼy sinusunod ko. Ang lahat kong ginagawa ay inyong nalalaman, kaya sinusunod ko ang inyong mga tuntunin at katuruan. Panginoon, pakinggan nʼyo sana ang aking hinaing. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa ayon sa inyong pangako. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod, upang patuloy akong makasunod at makapamuhay ng ayon sa inyong salita. Sanaʼy dinggin nʼyo ang aking dalangin, at iligtas ako katulad ng inyong ipinangako. Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin. Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat nʼyong mga utos. Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin. Panginoon, nananabik ako sa inyong pagliligtas. Ang kautusan nʼyo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay upang kayoʼy aking mapapurihan, at sanaʼy tulungan ako ng inyong mga utos na masunod ang inyong kalooban. Para akong tupang naligaw at nawala, kaya hanapin nʼyo ako na inyong lingkod, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong mga utos. Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan. Akoʼy pansamantala lang dito sa sanlibutan, kaya ipaliwanag nʼyo sa akin ang inyong mga utos. Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:9

Ang taong hindi sumusunod sa Kautusan, kahit panalangin niya ay kasusuklaman ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:142

Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 24:3

Nang sinabi ni Moises sa mga tao ang lahat ng itinuro at iniutos ng Panginoon, sabay-sabay silang sumagot, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:17

Ibinigay sa atin ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at katotohanan ay napasaatin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:1

“Kung lubos ninyong susundin ang Panginoon na inyong Dios at gagawin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, gagawin niya kayong nakakahigit sa lahat ng bansa rito sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:4

“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. Dinggin ninyo ako, O bansa ko! Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:105

Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:7

Ang ibig ko bang sabihin ay masama ang Kautusan? Aba, hindi! Sapagkat kung walang Kautusan hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan. Halimbawa, kung hindi sinabi ng Kautusang, “Huwag kang maging sakim,” hindi ko sana nalaman na masama pala ang pagiging sakim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:24-25

Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Cristo, para sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid. At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:17-18

“Huwag ninyong isipin na naparito ako upang ipawalang-saysay ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta. Naparito ako upang tuparin ang mga ito. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hanggaʼt may langit at may lupa, kahit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay hindi mawawalan ng kabuluhan hanggaʼt hindi natutupad ang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:12-13

“At ngayon, O mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Dios sa inyo ay igalang ninyo siya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa, at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin niya na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:3-4

Nakatitiyak tayong kilala natin ang Dios kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing nakikilala niya ang Dios ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:14

Sapagkat hindi na dapat maghari pa sa inyo ang kasalanan, dahil wala na kayo sa ilalim ng Kautusan kundi sa ilalim na ng biyaya ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:10

Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang mga utos ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Dios nila, at sila naman ang magiging bayan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:12

Pero sa kabila nito, banal pa rin ang Kautusan; ang bawat utos nito ay banal, matuwid at mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:18

Ngunit kung nagpasakop na kayo sa Banal na Espiritu, hindi na kayo sakop ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:72

Para sa akin, ang kautusang ibinigay nʼyo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:37-40

Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Sinugo niya ang iba pang mga alipin upang sabihin sa mga inimbitahan, ‘Handa na ang lahat; nakatay na ang aking mga baka at iba pang pinatabang hayop. Nakahanda na ang pagkain kaya pumunta na kayo rito!’ Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:16

Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:25

Ngunit ang taong nagsasaliksik at tumutupad sa Kautusang ganap na nagpapalaya, at hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad, ay ang taong pagpapalain ng Dios sa mga ginagawa niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:10

Ngunit ang lahat ng umaasang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay isinumpa na ng Dios. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Isinusumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:1-3

Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya. Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan. Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:2

“Huwag kayong makikiisa sa karamihan sa paggawa ng masama. Kung sasaksi kayo sa isang kaso, huwag nʼyong babaluktutin ang hustisya para lang masunod ang opinyon ng karamihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:18

Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili. Ako ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:4

Pinupuri ng masama ang mga taong lumalabag sa utos, ngunit ang sumusunod dito, kinakalaban ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:18

Kapag tinanggihan ng isang bansa ang turo at gabay ng Dios, wala itong kapayapaan. Mapalad ang mga taong sumusunod sa turo ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:1

Ang Kautusan ay anino lang ng mabubuting bagay na darating. Kailanman ay hindi ito nakakapagpabanal sa mga taong lumalapit sa Dios sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay nila taun-taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:16

“Bago dumating si Juan na tagapagbautismo, ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta ang siyang sinusunod ng mga tao. At mula nang dumating si Juan, ipinangangaral na ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios, at marami ang nagpupumilit na maging sakop nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:3-4

Ang Kautusan ay hindi makapag-aalis ng kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay dahil sa kahinaan ng ating makasalanang pagkatao. Ang Dios ang nag-alis nito nang isinugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang handog para sa ating mga kasalanan. At sa kanyang pagiging tao, tinapos na ng Dios ang kapangyarihan ng kasalanan. Kaya nga, ang mga taong pinili ng Dios noong una pa ay tinawag niya para maging kanyang mga anak, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid, at ang itinuring niyang matuwid ay binigyan niya ng karangalan. Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin. Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay. Sino ang maaaring mag-akusa sa mga pinili ng Dios? Ang Dios na mismo ang nagturing sa atin na matuwid. Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Cristo Jesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Dios at namamagitan para sa atin. Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Alang-alang sa iyo, palaging nasa panganib ang aming buhay. Para kaming mga tupang kakatayin.” Pero kahit ganito ang kalagayan natin, kayang-kaya nating pagtagumpayan ito sa tulong ni Cristo na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios. Ginawa ito ng Dios para ang ipinatutupad ng Kautusan ay matupad nating mga namumuhay sa patnubay ng Banal na Espiritu at hindi ayon sa ating makasalanang pagkatao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:40

Sundin ninyo ang kanyang mga utos at tuntunin na ibinigay ko sa inyo ngayon para walang masamang mangyari sa inyo at sa inyong salinlahi, upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios magpakailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:43

Tulungan nʼyo akong masabi ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil ang pag-asa ko ay nakasalalay sa inyong mga kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:19

Kaya ang sinumang lumabag sa pinakamaliit na bahagi ng Kautusan, at magturo sa iba na lumabag din ay ituturing na pinakamababa sa kaharian ng Dios. Ngunit ang sinumang sumusunod sa Kautusan, at nagtuturo sa iba na sumunod din ay ituturing na dakila sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:21

Sa piling naman ng mga hindi Judio, namumuhay ako na parang wala sa ilalim ng Kautusan upang madala sila sa pananampalataya. Hindi nangangahulugan na hindi ko na sinusunod ang mga utos ng Dios, dahil ang totoo, sinusunod ko ang mga utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:16

Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kaming mga Judio ay sumampalataya rin kay Cristo Jesus para maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:144

Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:13

Sapagkat hindi ang nakikinig sa Kautusan ang itinuturing ng Dios na matuwid kundi ang tumutupad nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:10

Ang tumutupad sa buong Kautusan pero lumabag sa isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:4

Ang lahat ng nagkakasala ay lumalabag sa Kautusan ng Dios dahil ang kasalanan ay paglabag sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 17:18-20

“Kung uupo na siya sa trono bilang hari, kailangan niyang kopyahin ang mga kautusang ito para sa kanyang sarili sa harapan ng mga pari na mga Levita. Dapat niya itong ingatan at laging basahin sa buong buhay niya para matuto siyang gumalang sa Panginoon na kanyang Dios, at masunod niya nang mabuti ang lahat ng sinasabi ng mga kautusan at mga tuntunin. “Kung ang isang lalaki o babae na naninirahan sa isa sa mga bayan na ibinibigay ng Panginoon ay nahuling gumagawa ng masama sa paningin ng Panginoon na inyong Dios, sinira niya ang kasunduan sa Panginoon Sa pamamagitan din ng laging pagbabasa nito, makakaiwas siya sa pagyayabang sa kapwa niya Israelita, at makakaiwas siya sa pagsuway sa mga utos ng Panginoon. Kung susundin niyang lahat ito, maghahari siya at ang kanyang angkan nang matagal sa Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:31

Panginoon, sinunod ko ang inyong mga turo, kaya huwag nʼyong papayagang akoʼy mapahiya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:22

Sa kaibuturan ng aking puso, nalulugod ako sa Kautusan ng Dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:26

Sinabi ko sa inyo ang tungkol sa aking pamumuhay at pinakinggan nʼyo ako. Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:3

Sumagot si Jesus sa kanila, “At kayo, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Dios dahil sa inyong mga tradisyon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:4

Kayong mga nagsisikap na ituring na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng Kautusan ay nahiwalay na kay Cristo. Nahiwalay na kayo sa biyaya ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:12

At kung papalitan ang pagkapari, kailangan ding palitan ang Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:24

Inutusan kami ng Panginoon na sundin namin ang lahat ng mga tuntuning ito at gumalang sa kanya na ating Dios, para lagi kaming maging maunlad at mabuhay nang matagal gaya ng nangyayari ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:31

Nangangahulugan bang binabalewala namin ang Kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi! Sa halip, lalo pa nga naming tinutupad ang layunin ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:14

May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:8

Alam nating mabuti ang Kautusan kung ginagamit ito sa wastong paraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:13

Ang taong tumatanggi sa turo at utos sa kanya ay mapapahamak, ngunit ang sumusunod dito ay gagantimpalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:120

Nanginginig ako sa takot sa inyo; sa hatol na inyong gagawin ay natatakot ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:21

Nais ng Panginoon na parangalan ang kanyang kautusan para ipakita na matuwid siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:31

Ang Kautusan ng Dios ay iniingatan niya sa kanyang puso, at hindi niya ito sinusuway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:32

Alam nila ang utos ng Dios na dapat parusahan ng kamatayan ang mga taong gumagawa ng mga kasalanang ito, pero patuloy pa rin silang gumagawa nito, at natutuwa pa sila na ginagawa rin ito ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:1-2

“Kung lubos ninyong susundin ang Panginoon na inyong Dios at gagawin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, gagawin niya kayong nakakahigit sa lahat ng bansa rito sa mundo. At sa ganoon ay malalaman ng lahat ng tao sa mundo na pinili kayo ng Panginoon, at matatakot sila sa inyo. Pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong ani. Padadalhan kayo ng Panginoon ng ulan sa tamang panahon mula sa taguan ng kayamanan niya sa langit, at pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo. Magpapautang kayo sa maraming bansa, pero kayo ay hindi mangungutang. Gagawin kayo ng Panginoon na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod lang. Lagi kayong nasa itaas at hindi sa ilalim kung susundin ninyong mabuti ang mga utos ng Panginoon na inyong Dios na ibinibigay ko sa inyo ngayon. Kaya huwag ninyong susuwayin ang alinman sa iniuutos ko sa inyo sa araw na ito, at huwag kayong susunod sa ibang mga dios at maglilingkod sa kanila. “Ngunit kung hindi kayo susunod sa Panginoon na inyong Dios at hindi susunding mabuti ang lahat ng utos niya at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mararanasan ninyo ang lahat ng sumpang ito: Susumpain ng Panginoon ang inyong mga lungsod at bukid. Susumpain niya ang inyong mga ani at pagkain. Susumpain niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kaunting anak, ani, at hayop. Susumpain niya ang lahat ng gagawin ninyo. Kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, mapapasainyo ang lahat ng pagpapalang ito:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:160

Totoo ang lahat ng inyong salita, at ang inyong mga utos ay makatuwiran magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:19

Kung ganoon, ano ba ang silbi ng Kautusan? Ibinigay ito para malaman ng tao na nagkakasala sila. Ngunit itoʼy hanggang sa dumating lamang ang ipinangakong apo ni Abraham. Ibinigay ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, at sila ang nagbigay nito sa mga tao sa tulong ng isang tagapamagitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:28

Ngayon, kung nagpapalayas ako ng masasamang espiritu sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, nangangahulugan ito na dumating na sa inyo ang paghahari ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:14-15

Ang mga hindi Judio ay walang kaalaman tungkol sa Kautusan ni Moises. Pero kung gumagawa sila nang naaayon sa sinasabi ng Kautusan, ipinapakita nila na kahit wala silang alam tungkol dito ay alam nila ang nararapat gawin. Ang mabubuting gawa nila ay nagpapakita na ang iniuutos ng Kautusan ay nakaukit sa kanilang puso. Pinatutunayan ito ng kanilang konsensya, dahil kung minsaʼy inuusig sila nito at kung minsan namaʼy ipinagtatanggol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:8

Pero kung sinusunod nʼyo ang utos ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, “Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,” mabuti ang ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17-18

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 8:20

Ang kautusan at katuruan ng Panginoon ang dapat ninyong pakinggan. Kapag may mga nagsasabi ng mga bagay na salungat sa mga itinuturo ng Panginoon, nadidiliman pa ang pag-iisip ng mga taong iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:14

Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:49

Ang tuntuning itoʼy para sa lahat – sa mga katutubong Israelita at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:48

Kaya dapat kayong maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:4

Sapagkat hindi nila alam na si Cristo ang hangganan ng Kautusan. Dahil sa kanyang ginawa, ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay itinuturing ng Dios na matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:46

Hindi ko ikakahiyang sabihin ang inyong mga turo sa harapan ng mga hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:1

Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran dahil malapit ko na kayong iligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:1-2

Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko, Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan. Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng Panginoon upang ituwid ang iyong pag-uugali. Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan. Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. Higit pa ito sa pilak at ginto, at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan. Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay. Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan. sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:2-3

Sa ganitong paraan natin malalaman na iniibig natin ang mga anak ng Dios: Kung minamahal natin ang Dios at sinusunod natin ang kanyang mga utos. Alam din nating ang Anak ng Dios ay naparito sa mundo, at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Dios. At tayo nga ay nasa tunay na Dios sa pamamagitan ng kanyang anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. Mga anak, lumayo kayo sa mga dios-diosan. Dahil ang tunay na umiibig sa Dios ay sumusunod sa kanyang utos, at hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:59

Pinag-isipan ko kung paano ako namuhay, at napagpasyahan kong sumunod sa inyong mga turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:17

Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi tungkol sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa isaʼt isa, at kagalakan na mula sa Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:8

Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw at nagbibigay liwanag sa kaisipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:36

Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Gumuho man ang mga burol at bundok, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mawawala, maging ang kasunduan ko sa iyo na ilalagay kita sa magandang kalagayan. Ako, ang Panginoong naaawa sa iyo, ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16-17

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo. At anuman ang ginagawa nʼyo, sa salita man o sa gawa, gawin nʼyo ang lahat bilang mananampalataya sa Panginoong Jesus, at magpasalamat kayo sa Dios Ama sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:77

Kahabagan nʼyo ako upang patuloy akong mabuhay, dahil nagagalak akong sumunod sa inyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:1-2

Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Dios, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang pwesto. Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan. Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Jesu-Cristo. Mag-uumaga na, kaya iwanan na natin ang mga gawain ng kadiliman at isuot na ang kabutihan bilang panlaban nating mga nasa liwanag. Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag nating gawin ang paglalasing, magugulong kasiyahan, sekswal na imoralidad, kalaswaan, ang pag-aaway, at inggitan. Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa. Kaya ang mga lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Dios, at dahil dito parurusahan niya sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:12

Maaaring may magsabi sa inyo ng ganito, “Pwede kong gawin ang kahit ano.” Totoo iyan, ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit pwede kong gawin ang kahit ano, hindi naman ako paaalipin dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:12

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Dios, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:89

Panginoon, ang salita mo ay mananatili magpakailanman; hindi ito magbabago tulad ng kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:14

Nagagalak akong sumunod sa inyong mga katuruan, higit pa sa kagalakang dulot ng mga kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:13-14

Ngayong nabasa mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Dios at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao. Sapagkat hahatulan tayo ng Dios ayon sa lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, hayag man o lihim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 4:21-24

Ngayon, sabihin nga ninyo sa akin, kayong mga nais magpailalim sa Kautusan, hindi ba ninyo alam ang sinasabi sa Kautusan? Sinasabi roon na may dalawang anak si Abraham. Ang isaʼy anak niya sa kanyang alipin na si Hagar, at ang isa naman ay anak niya sa asawa niya na si Sara. Ang kanyang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ngunit ang anak niya sa kanyang asawa ay ipinanganak ayon sa pangako ng Dios. Maaari nating tingnan ang dalawang babaeng ito bilang isang paghahalintulad. Kumakatawan sila sa dalawang kasunduan. Si Hagar ay kumakatawan sa kasunduan na ibinigay ng Dios kay Moises sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak na mga alipin ang mga anak niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:1-2

May mga tuntunin ang unang kasunduan tungkol sa pagsamba at may sambahang gawa ng tao. Ang mga ginagawa nilang itoʼy nauukol lang sa mga pagkain at inumin at mga seremonya ng paglilinis. Mga tuntuning panlabas lamang ito na ipinapatupad hanggang sa dumating ang bagong pamamaraan ng Dios. Ngunit dumating na si Cristo na punong pari ng bagong pamamaraan na higit na mabuti kaysa sa dati. Pumasok siya sa mas dakila at mas ganap na Tolda na hindi gawa ng tao, at wala sa mundong ito. Minsan lang pumasok si Cristo sa Pinakabanal na Lugar. At hindi dugo ng kambing o ng guya ang dala niya kundi ang sarili niyang dugo. At sa pamamagitan ng kanyang dugo, tinubos niya tayo sa mga kasalanan natin magpakailanman. Ayon sa Kautusan, kung itinuturing na marumi ang isang tao, kailangan siyang wisikan ng dugo ng kambing at toro, at ng abo ng guya para maging malinis. Kung nakakalinis ang mga ito, di lalo na ang dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Banal na Espiritu, inialay ni Cristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Dios. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan para matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Dios na buhay. Kaya si Cristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Dios sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Dios ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya. Maihahalintulad ito sa isang huling testamento na kailangang mapatunayan na namatay na ang gumawa nito, dahil wala itong bisa habang nabubuhay pa siya. Nagkakabisa lang ang isang testamento kapag namatay na ang gumawa nito. Kaya maging ang unang kasunduan ay kinailangang pagtibayin sa pamamagitan ng dugo. Sapagkat nang ipahayag ni Moises ang Kautusan sa mga tao, kumuha siya ng dugo ng mga guyaʼt kambing, at hinaluan ng tubig. Isinawsaw niya rito ang balahibo ng tupa na kinulayan ng pula na nakatali sa sanga ng isopo. Pagkatapos, winisikan niya ang aklat ng Kautusan at ang mga tao. Itong Toldang Sambahan na ginawa nila ay may dalawang silid. Ang unang silid ay ang Banal na Lugar, kung saan naroon ang ilawan, ang mesa, at ang tinapay na handog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:6

hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Dios dahil sa inyong mga tradisyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:23-24

Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios. Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Itoʼy regalo ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa, O Diyos. Walang hanggan ang iyong kapangyarihan, ikaw ay walang simula at walang wakas, sakdal sa lahat ng iyong mga daan. Karapat-dapat ka sa lahat ng pagsamba at papuri. Wala nang makapapantay sa iyo. Ikaw ang Diyos na higit sa lahat ng bagay, sa lahat ng kalagayan, pagsubok, at sitwasyon. Pawang katuwiran ka, walang bahid ng kasamaan. Matuwid ang bawat salitang lumalabas sa iyong bibig, walang sinuman ang maaaring kumwestyon. Tulad ng sabi ng salmista, kung ang iyong kautusan ay hindi naging kaluguran niya, sa kanyang paghihirap ay baka siya'y nalipol na. Kaya nga sa sandaling ito, hinihiling ko ang iyong tulong upang ako'y lumakad sa iyong kautusan at tuparin ito, sapagkat doon ko natatagpuan ang kailangan ng aking kaluluwa. Huwag mo akong hayaang lumihis sa iyong mga tuntunin at utos, sapagkat nais kong maging kalugud-lugod sa iyo, aking Diyos. Kaya nga nagpapakumbaba ako sa iyong harapan at hinihiling na ako'y mabuhay nang matuwid sa iyong paningin, na laging ginagawa ang nakalulugod sa iyo. Sa iyo ang lahat ng kapurihan, karangalan, at kadakilaan. Nagpapasalamat ako sa iyong kabutihan sa aking buhay at sa lahat ng iyong ginawa para sa akin. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas