Mahal kong kaibigan, alam mo ba kung ano ang tunay na kahulugan ng isang babaeng may karunungan? Yung kayang yakapin ang karunungan at tumanggap ng disiplina, yung nakikilala ang tunay na kabutihan at sumusunod sa kalooban ng Diyos. Sabi nga sa Kawikaan 21:9, “Mabuting manirahan sa sulok ng bubungan, Kaysa makisama sa palaaway na asawa sa malaking bahay.”
Isipin mo, mas gugustuhin mo pa bang tumira sa isang maliit na espasyo kaysa sa malaking bahay na puno ng away at gulo? Minsan ba, tayo mismo ang nagiging dahilan ng mga pagtatalo, reklamo, at kontrobersiya na nagdudulot ng sama ng loob sa ating pamilya? Nahihirapan ba silang pakisamahan tayo?
Huwag nating hayaang maging ganoon tayo. Sa halip, maging babaeng marunong at may kabutihang asal. Isabuhay natin ang salita ng Diyos. Isipin mo, kapag puno ng kabutihan ang ating mga salita at gawa, mas marami ang makikinig at magtitiwala sa atin. Higit sa lahat, mapapalugod natin ang Panginoon.
Gusto mo bang mapalugod Siya? Ingatan mo ang iyong puso. Bago magreklamo o magalit, sambahin mo muna ang Diyos. Makikita mo, mapapanatili mo ang kapayapaan sa iyong tahanan. Pero kung puro negatibo ang iisipin at gagawin mo, sino ba naman ang gugustuhing makasama ka? Maging ang iyong asawa at pamilya ay iiwas sa iyo.
Hindi ka magiging halimbawa ng isang taong may mabuting pag-uugali kung lagi kang nagdadala ng problema. Hilingin mo kay Hesus na gabayan ka at kontrolin ang iyong emosyon. Sabihin mo sa Kanya na gusto mong maging repleksyon Niya dito sa lupa, na maging inspirasyon sa iba dahil sa iyong mabuting pamumuhay.
Lumayo ka sa kasamaan at lumakad sa tamang daan. Maging masunurin at mapagpakumbaba. At makikita mo ang kadakilaan ng Diyos. Pagpalain ka nawa!
Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang kaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway.
Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawa.
Nakakayamot ang asawang masalita tulad ng ulan na ayaw tumila. Mahirap siyang patigilin, para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hangin.
Masarap pa ang tumira sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na ang kasama'y asawang madaldal.
Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay, ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan.
Maingay ang kanyang boses, kilos niya ay maharot, di matigil sa tahanan, di mapigil sa paglibot. Ngayo'y sa lansangan, maya-maya'y sa liwasan, walang anu-ano'y sa panulukan, doon siya nag-aabang.
Masarap pa ang tumira sa bubungan ng bahay kaysa loob ng bahay na ang kasama'y asawang madaldal.
Ang magandang babae ngunit mangmang naman, ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy.
Ang babae ang sa kanya'y sumalubong sa pintuan, mapang-akit, mapanlinlang sa masagwang kasuotan.
Ang yaman mo'y uubusin ng taong di mo kilala, mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba.
Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay, ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman.
Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama, at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa.
Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.
Si Samson naman ay pinatulog ni Delilah sa kanyang kandungan. Nang ito'y mahimbing na, tumawag siya ng isang tao at ginupit ang pitong tirintas ng buhok ni Samson. Nang mawala na ang kanyang kakaibang lakas, ginising ni Delilah si Samson
Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos.
Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok, sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog.
Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama.
Ilalayo ka nito sa babaing masama, sa mapang-akit niyang salita ngunit puno ng daya. Huwag mong nanasain ang ganda niyang taglay, ni huwag paaakit sa tingin niyang mapungay. Babaing masama'y maaangkin sa halaga ng tinapay, ngunit bunga'y kasamaan sa buo mong pamumuhay. Kung ang tao ba'y magkandong ng apoy, kasuotan kaya niya'y di masusunog niyon? Kung ang tao ay tumapak sa uling na nagbabaga, hindi kaya malalapnos itong kanyang mga paa? Ganoon din ang taong sisiping sa asawa ng kapwa, tiyak siyang magdurusa pagkat ito ay masama.
Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.
May apat na bagay na yayanig sa daigdig: Ang aliping naging hari, ang isang mangmang na sagana sa pagkain, ang babaing masungit na nagkaasawa, at ang isang aliping babaing pumalit sa kanyang amo.
Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama. Sinabi ng Mangangaral, “Pinag-ugnay-ugnay ko ang lahat ng bagay at ito ang aking natuklasan. Pagkatapos ng mataman ngunit bigong pagsisiyasat, natuklasan kong sa 1,000 lalaki, isa lamang ang matalino, at sa 1,000 babae, walang matalino kahit isa. Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”
Gayundin naman, ang kanilang mga asawa ay dapat maging kagalang-galang, hindi mapanirang-puri, mapagtimpi at tapat sa lahat ng mga bagay.
Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.
Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon.
Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa. Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.” At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa paggawa ng mabuti? At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong mabagabag. Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. Higit na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y pinatay sa laman, at muling binuhay sa espiritu. Sa kalagayang ito, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay.
Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan, na tatawaging Landas ng Kabanalan. Sa landas na ito ay hindi makakaraan, ang mga makasalanan at mga hangal.
Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.
Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, dahil alam mong ang ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang nagpapakilalang siya'y mali.
Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.
Ang simula ng kaguluha'y parang butas sa isang dike; na dapat ay sarhan bago ito lumaki.