Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


142 Mga talata tungkol sa mga Babae sa Lumang Tipan

142 Mga talata tungkol sa mga Babae sa Lumang Tipan

Alam mo ba, minsan parang pakiramdam natin, lalo na tayong mga kababaihan, na parang ang ating halaga ay nakabatay lang sa kung gaano tayo kasunud-sunuran, o kung gaano kalaki ang ating sakripisyo. Parang tayo’y pag-aari lang, mula sa ating mga magulang hanggang sa ating mga asawa. Parang ang mundo natin ay umiikot lang sa bahay at sa pag-aaruga ng mga anak. Parang hindi tayo nakikita, parang wala tayong boses. Pero alam mo, binago ng Diyos 'yan. Binigyan Niya tayo ng espesyal na halaga, pinaramdam Niya sa atin na may silbi tayo, na mahalaga tayo sa Kanya.

Isipin mo 'yung mga babae sa Lumang Tipan. Kahit na minsan minamaliit sila noon, ginamit sila ng Diyos para sa Kanyang mga dakilang plano. Sila Ester, Rut, Debora, Noemi, Rahab, Maria, Sara, Raquel, Rebeca... ang dami pa! Ang gagaling nila, 'di ba? Basahin mo ang mga kwento nila. Makakakuha ka ng lakas ng loob, ng inspirasyon, para ibigay ang buong buhay mo kay Hesus. Isipin mo, baka ikaw pala ang sagot sa panalangin ng iba, ang instrumento Niya para baguhin ang mundo.


Mga Hukom 16:4

Pagkatapos nito'y umibig naman si Samson sa isang dalagang nakatira sa libis ng Sorek. Siya ay si Delilah.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 41:45

Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis. Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:16

Si Laban ay may dalawang anak na dalaga. Si Lea ang nakatatanda at si Raquel naman ang nakababata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:51

Isama mo si Rebeca pag-uwi mo upang mapangasawa ng anak ng iyong panginoon, ayon sa sinabi ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 16:3

At ipinaubaya nga ni Sarai sa kanyang asawa si Hagar upang maging asawang-lingkod. Sampung taon na si Abram na naninirahan sa Canaan nang ito'y nangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 17:15

Sinabi pa rin ng Diyos kay Abraham, “Hindi na Sarai ang itatawag mo sa iyong asawa kundi Sara

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 26:34

Apatnapung taon si Esau nang siya'y mag-asawa; si Judit na anak ng Heteong si Beeri ang napangasawa niya. Naging asawa rin niya si Basemat, anak naman ni Elon, isa ring Heteo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:20

Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng sangkatauhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 13:1

Si Absalom, isang anak na lalaki ni David, ay may magandang kapatid na babae, si Tamar. Si Amnon, isa ring anak na lalaki ni David sa ibang babae, ay umibig kay Tamar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 22:14

Sumagot si Micaya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, kung ano ang sabihin niya sa akin, iyon din ang aking sasabihin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:22

Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:10

Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 20:18

Pati ang ilan sa iyong mga anak na lalaki ay kukunin at gagawing mga eunuko sa palasyo ng hari ng Babilonia.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 2:21

Mula noon, doon na nanirahan si Moises at ipinakasal sa kanya ni Jetro ang anak nitong si Zipora.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 34:1

Minsan, si Dina, ang anak na dalaga ni Jacob kay Lea, ay dumalaw sa ilang kababaihan sa lupaing iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 4:25

Kaya't kumuha si Zipora ng isang matalim na bato at tinuli ang kanyang anak. Pagkatapos, ipinahid niya sa mga paa ni Moises ang pinagtulian, saka sinabi, “Tunay ngang asawa na kita sa pamamagitan ng dugo ng pagtutuli.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 18:13

Ngunit sinabi ni Micaias, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, kung ano ang sasabihin niya sa akin iyon din ang aking sasabihin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:20

Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam, ang babaing propeta na kapatid ni Aaron. Tinugtog niya ito at nagsayawan ang mga babae na mayroon ding mga tamburin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 38:11

Sinabi ni Juda sa manugang niyang si Tamar, “Umuwi ka na muna sa inyo at hintayin mong lumaki ang bunso kong si Sela.” Sinabi niya ito dahil sa takot na baka mangyari kay Sela ang sinapit ng kanyang mga kapatid. Kaya't umuwi muna si Tamar sa kanyang ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 8:30

Pitumpu ang kanyang naging anak sapagkat marami siyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 13:19

Pinunit niya ito at nilagyan ng abo ang kanyang ulo. Pagkatapos, tinakpan ng kanyang mga kamay ang mukha, at umalis na umiiyak nang malakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:1

Ganito ang naging panalangin ni Ana: “Pinupuri kita, Yahweh, dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 12:11

Nang malapit na sila sa hangganan, sinabi niya sa kanyang asawa, “Sarai, napakaganda mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 21:8

Ang ibinigay ng hari ay sina Armoni at isang Mefiboset din ang pangalan, mga anak ni Saul kay Rizpa na anak ni Aya, at ang limang anak ni Adriel kay Merab. Si Merab ay anak ni Saul at si Adriel nama'y anak ni Barzilai na taga-Meholat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 11:3

Ipinagtanong niya kung sino iyon. Sinabi sa kanya na iyo'y si Batsheba, anak ni Eliam at asawa ni Urias na isang Heteo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 25:3

Nabal ang kanyang pangalan at buhat sa angkan ni Caleb. Ang asawa niya'y si Abigail. Ang babaing ito'y maganda at matalino ngunit si Nabal ay masungit at magaspang ang pag-uugali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 2:1

Buhat sa kampo ng Sitim, si Josue na anak ni Nun ay nagpadala ng dalawang espiya. Sila'y pinagbilinan niya ng ganito: “Pumunta kayo sa lupain ng Canaan, manmanan ninyo ito, lalung-lalo na ang lunsod ng Jerico.” Pumunta nga sila roon at tumuloy sa bahay ni Rahab, isang babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw at doon sila nagpalipas ng gabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 4:21

Dahil sa matinding pagod, nakatulog nang mahimbing si Sisera. Si Jael naman ay kumuha ng maso at tulos ng tolda. Dahan-dahan siyang lumapit kay Sisera at pinukpok ang tulos sa noo nito hanggang sa bumaon sa lupa. Sa gayon, namatay si Sisera.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ruth 1:4

ay nakapag-asawa naman ng mga Moabita, sina Orpa at Ruth. Ngunit pagkalipas ng mga sampung taon,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 4:19-22

Nag-asawa si Lamec ng dalawa, sina Ada at Zilla. Sinundan si Cain ng isa pang anak na lalaki, at Abel naman ang ipinangalan dito. Naging pastol ito at si Cain naman ay naging magsasaka. Naging anak ni Ada si Jabal, ang ninuno ng mga nagpapastol ng mga baka at ng mga tumitira sa tolda. Kapatid nito si Jubal na siya namang ninuno ng mga manunugtog ng alpa at plauta. Naging anak naman ni Zilla si Tubal-cain na ninuno ng lahat ng panday ng mga kagamitang tanso at bakal. Si Tubal-cain ay may kapatid na babae, si Naama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 4:4

Noon, ang babaing propeta na si Debora, asawa ni Lapidot, ay nagsisilbing hukom ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 24:8

Si Jehoiakin ay labingwalong taóng gulang nang maghari sa Jerusalem at ito'y tumagal nang tatlong buwan. Ang kanyang ina ay si Nehusta na anak ni Elnatan na taga-Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 11:40

na taun-taon ay apat na araw na ipagluksa ng mga kababaihan ang dalagang anak ni Jefta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 25:2

sina Zacur, Jose, Netanias at Asarela. Sila ay pinangunahan ni Asaf na kanilang ama sa pagpapahayag ng salita ng Diyos sa ilalim ng pamamahala ng hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 16:6

Kaya't sinabi ni Delilah kay Samson, “Sabihin mo naman sa akin kung saan nanggagaling ang iyong lakas. Paano ka ba maigagapos at madadaig?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 6:25

Si Rahab na isang babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw ay iniligtas ni Josue, pati ang buong angkan nito, sapagkat itinago nito ang mga lalaking isinugo upang lihim na magmanman sa Jerico. Ang mga naging anak at sumunod na salinlahi ni Rahab ay nanirahan sa Israel hanggang sa araw na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 25:32-33

Sinabi ni David kay Abigail, “Purihin si Yahweh na nagpapunta sa iyo rito. Salamat sa kanya dahil sa iyong kabutihan, sapagkat sa ginawa mo'y nakaiwas ako sa pagpatay ng tao at magsagawa ng sariling paghihiganti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ester 2:5

Noon ay may isang Judio na nakatira sa Susa. Siya'y si Mordecai na mula sa lipi ni Benjamin. Siya'y anak ni Jair at apo ni Simei na anak naman ni Kis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 1:11-12

Kaya kinausap ni Natan si Batsheba na ina ni Solomon. Sabi niya, “Hindi ba ninyo alam na ipinahayag na ni Adonias na siya na ang hari at ito ay lingid sa kaalaman ni Haring David? Kung gusto ninyong iligtas ang sarili ninyong buhay at pati ang buhay ng inyong anak na si Solomon, ito ang maipapayo ko:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 21:11-14

Nang mabalitaan ito ni David, ipinakuha niya ang bangkay ni Saul at ni Jonatan sa mga pinuno ng Jabes-gilead. Ninakaw ng mga ito ang bangkay nina Saul at Jonatan sa Bethsan na ibinitin doon ng mga Filisteo noong araw na sila'y mapatay sa Gilboa. Ipinakuha nga niya ang mga bangkay nina Saul at Jonatan at isinama sa mga bangkay ng pitong binigti sa bundok. Pagkatapos, dinala nila ito sa libingan ng kanyang amang si Kish, sa lupain ni Benjamin sa Zela. Ang lahat ng iniutos ng hari ay natupad, at mula noon, dininig ni Yahweh ang kanilang dalangin para sa bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 11:1

Umibig si Solomon sa maraming dayuhang babae. Bukod pa sa anak ni Faraon, nag-asawa siya ng mga babaing Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonio at Heteo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 25:14

Sinabi ng isang pastol kay Abigail, “Si David po ay nagpadala ng sugo sa inyong asawa at magalang na nakipag-usap ngunit sila'y ininsulto ng inyong asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 18:10

Sinabi ng isa sa mga panauhin, “Babalik ako sa isang taon, sa ganito ring panahon, at pagbalik ko'y may anak na siya.” Noon ay kasalukuyang nakikinig si Sara sa may pintuan ng tolda sa likuran ng panauhin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 1:3

At naghanap nga sila sa buong Israel ng isang magandang dalaga, at natagpuan nila si Abisag na taga-Sunem. Siya'y kanilang dinala sa hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:5

Ngunit mga natatanging bahagi ang ibinibigay niya kay Ana sapagkat mahal na mahal niya ito bagama't hindi ipinahintulot ni Yahweh na ito'y magkaanak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 14:50

Ang asawa ni Saul ay si Ahinoam na anak ni Ahimaaz. Ang pinuno ng kanyang hukbo ay si Abner na anak ng tiyo niyang si Ner

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 18:20

Si Saul ay may isa pang anak na babae, si Mical. Umiibig siya kay David at natuwa si Saul nang malaman ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 11:1

Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias, sinikap niyang patayin ang lahat ng kamag-anak ng hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 2:9

Sinabi ng kanyang asawa, “Mananatili ka pa bang matuwid? Sumpain mo ang Diyos at nang mamatay ka na!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:26

Subalit hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 21:1

Pinagpala ni Yahweh si Sara at tinupad ang kanyang pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 19:1

Sinabi ni Haring Ahab sa kanyang asawang si Jezebel ang lahat ng ginawa ni Elias at kung paano pinatay ni Elias ang lahat ng mga propeta ni Baal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 4:8

Minsan, si Eliseo'y pumunta sa Sunem. May isang mayamang babae roon at siya'y inanyayahang kumain sa kanila. Mula noon, doon siya kumakain tuwing pupunta sa lugar na iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 14:27

Siya'y may anak na tatlong lalaki at isang napakagandang dalaga na Tamar ang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 22:1

Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari ng Juda. Tatlumpu't isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang ina niya ay si Jedida na anak ni Adaya na taga-Boskat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 10:13

Ibinigay naman ni Haring Solomon sa reyna ng Seba ang bawat magustuhan nito, ang lahat niyang hinihingi, bukod pa sa kanyang kusang ipinagkaloob sa reyna. Pagkatapos nito'y umuwi na ang reyna pati ang kanyang mga alalay sa lupain ng Seba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 20:2

kapatid ang pakilala niya kay Sara, kaya ito'y ipinakuha ni Abimelec, hari ng Gerar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 16:2

Sinabi niya, “Abram, dahil pinagkaitan ako ni Yahweh ng anak, ang alipin ko ang sipingan mo. Baka sakaling magkaanak siya para sa akin!” Pumayag si Abram sa sinabi ni Sarai.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 1:2-3

Nang unang mangusap si Yahweh sa Israel sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya, “Mag-asawa ka ng isang babaing nakikipagtalik sa iba-ibang mga lalaki. Magkaroon ka ng mga anak sa kanya. Sapagkat katulad din ng babaing iyan, ang mga tao sa lupaing ito ay nagtaksil sa akin.” Napangasawa nga ni Hosea si Gomer na anak ni Diblaim. Di nagtagal, ang babae ay naglihi at nanganak ng isang lalaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:11

Lahat ng kapatid nito, mga kamag-anak at kakilala ay dumalaw sa kanya at nagsalu-salo sila. Bawat isa'y nakiramay sa nangyari sa kanya at nagbigay ng salapi at singsing na ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 12:15

Pagkatapos nito'y umuwi na si Natan. Tulad ng sinabi ni Yahweh, ang anak ni David sa asawa ni Urias ay nagkasakit nang malubha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 1:3

Napangasawa nga ni Hosea si Gomer na anak ni Diblaim. Di nagtagal, ang babae ay naglihi at nanganak ng isang lalaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ester 1:11

Ipinasundo niya si Reyna Vasti. Ipinasabi niyang isuot ng reyna ang korona nito upang ipagmayabang sa lahat ng naroon ang kagandahan nito, sapagkat ito nama'y talagang maganda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:13

Nagkaroon pa si Job ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 36:14

Inutusan ng mga pinuno si Jehudi na anak ni Netanias at apo ni Selemias mula sa lahi ni Cusi, upang sabihin kay Baruc na dalhin ang kasulatang binasa nito sa harapan ng kapulungan. Kaya dumating si Baruc na dala ang kasulatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 35:22

Samantalang sina Israel ay nasa lupaing iyon, sumiping si Ruben kay Bilha na isa sa mga asawang-lingkod ng kanyang ama. Nalaman ito ni Israel. Labindalawa ang mga anak na lalaki ni Jacob:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 21:14

Madaling araw pa lamang, ang mag-ina'y ipinaghanda na ni Abraham ng baong pagkain at inumin. Ipinapasan ni Abraham ang mga ito kay Hagar at ang mag-ina ay kanyang pinaalis. Nagpagala-gala sila sa ilang ng Beer-seba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 4:12

Tinawag niya ang katulong niyang si Gehazi at sinabi, “Tawagin mo ang babaing Sunamita.” Tinawag nga nito ang babae at di nagtagal ay dumating ang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 21:21

Ang mga Israelita'y nagsugo kay Haring Sihon, isang Amoreo. Ipinasabi nila,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 22:10

Nang malaman ni Atalia na ang anak niyang si Ahazias ay patay na, pinagpapatay rin niya ang sambahayan ng hari ng Juda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 4:16-17

Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Isang taon mula ngayon ay mayroon ka nang anak na lalaking kakalungin.” Sinabi ng babae, “Mahal na lingkod ng Diyos, huwag na po ninyo akong paasahin.” Ngunit dumating ang araw at naglihi ang Sunamita. At tulad ng sinabi ni Eliseo, nanganak siya ng isang lalaki makalipas ng halos isang taon mula nang sabihin ito sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 25:23

Nang mabalitaan ito ng mga pinuno ng hukbo na hindi sumuko, sila at ang kanilang mga tauhan ay lumapit kay Gedalias sa Mizpa. Ang mga ito'y sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan na anak ni Karea, Seraias na anak ni Tanhumet na Netofatita at Jaazanias na anak ng Maacateo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:15

Hindi pa natatapos ang kanyang panalangin, dumating si Rebeca na may pasan na banga ng tubig. Siya ay anak ni Bethuel at apo ni Milca na asawa ni Nahor na kapatid ni Abraham.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 8:18

Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Sinundan niya ang yapak ng mga naging hari ng Israel, tulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab na kanyang biyenan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 1:11

Kaya kinausap ni Natan si Batsheba na ina ni Solomon. Sabi niya, “Hindi ba ninyo alam na ipinahayag na ni Adonias na siya na ang hari at ito ay lingid sa kaalaman ni Haring David?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 22:14

Ang paring si Hilkias at sina Ahikam, Akbor, Safan at Asaias ay nagpunta nga sa isang babaing propeta na nagngangalang Hulda na asawa ni Sallum, anak ni Tikva na anak ni Harhas, ang tagapag-ingat ng mga kasuotan ng mga pari. Siya ay sa ikalawang purok ng Jerusalem nakatira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 25:20

Apatnapung taon na si Isaac nang mapangasawa niya si Rebeca, anak na dalaga ni Bethuel, isang Arameong taga-Mesopotamia. Si Rebeca'y kapatid ni Laban, isa ring Arameo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 1:1

Matandang-matanda na noon si Haring David. Kahit kumutan ng makapal ay giniginaw pa rin siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 34:22

Ang lahat ng inutusan, sa pangunguna ni Hilkias ay sama-samang sumangguni kay Hulda na isang babaing propeta at asawa ni Sallum. Si Sallum ay anak ni Tokat at apo naman ni Hasra na tagapag-ingat ng mga kasuotan. Siya'y pinuntahan nila sa kanyang tirahan sa bagong bahagi ng Jerusalem at sinabi rito ang nangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 11:1-2

Umibig si Solomon sa maraming dayuhang babae. Bukod pa sa anak ni Faraon, nag-asawa siya ng mga babaing Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonio at Heteo. at pinagbawalan siyang maglingkod sa mga diyus-diyosan. Ngunit hindi niya sinunod si Yahweh. Kaya nga't sinabi nito sa kanya, “Dahil sumira ka sa ating kasunduan at sinuway mo ang aking mga utos, aalisin ko sa iyo ang kaharian at ibibigay ko sa isang lingkod mo. Ngunit alang-alang kay David na iyong ama, hindi ko gagawin ito sa panahon ng paghahari mo, kundi sa panahon ng paghahari ng iyong anak. Isang lipi lamang ang ititira ko sa kanya alang-alang kay David na aking lingkod, at alang-alang sa Jerusalem, ang lunsod na aking pinili.” Ipinahintulot ni Yahweh na magkaroon ng kaaway si Solomon: ang Edomitang si Hadad, buhat sa lipi ng mga hari ng Edom. Nang masakop ni David ang Edom, pumunta roon si Joab, ang pinuno ng kanyang hukbo, upang ipalibing ang mga nasawi sa labanan. Anim na buwan siyang nanatili sa Edom, kasama ang buong hukbo ng Israel, at hindi sila umalis hangga't hindi nila napapatay lahat ang mga lalaki roon. Subalit si Hadad na bata pa noon ay nakatakas patungo sa Egipto sa tulong ng ilang Edomitang tauhan ng kanyang ama. Buhat sa Midian nagtungo sila sa Paran, at doo'y nakakuha sila ng ilan pang mga lalaki na isinama nila sa Egipto. Tinanggap siya ng Faraon, ang hari ng Egipto, binigyan ng bahay, lupa at lahat ng kailangan. Napamahal si Hadad sa Faraon, at napangasawa niya ang hipag nito, ang kapatid na babae ni Reyna Tafnes. Ipinagbabawal ni Yahweh sa mga Israelita ang mag-asawa sa mga banyagang ito. “Huwag kayong mag-aasawa sa mga lahing iyan sapagkat tiyak na ililigaw nila kayo at hihikayating sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan,” sabi ni Yahweh. Ngunit nahulog ang loob ni Solomon sa mga babaing ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 14:5

Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Pupunta rito ang asawa ni Jeroboam at itatanong niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa kanyang anak na may sakit.” Sinabi rin ni Yahweh kay Ahias kung ano ang sasabihin niya sa babae. Nang dumating ang asawa ni Jeroboam, siya'y nagkunwaring ibang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 2:19

Kaya't pumunta si Batsheba kay Haring Solomon upang sabihin ang kahilingan ni Adonias. Tumayo ang hari upang siya'y salubungin, yumuko sa kanya, at saka naupo sa kanyang trono. Nagpakuha ng isa pang trono, inilagay sa kanyang kanan at doon pinaupo ang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:31

Alam ni Yahweh na si Lea ay di gaanong mahal ni Jacob, kaya't niloob niyang magkaanak na ito, samantalang si Raquel ay baog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 17:10-16

Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang biyuda na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae, “Maaari po bang makiinom?” Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin, “Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kapirasong tinapay.” Sumagot ang babae, “Saksi si Yahweh, ang inyong buháy na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.” Sinabi sa kanya ni Elias, “Huwag kang mag-alala. Pumunta ka na at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan.” Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw. Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 1:5

Samantala, ipinamamalita ni Adonias na anak ni Haguit na siya ang susunod na hari. May inihanda na siyang mga karwahe, mga mangangabayo at limampung alalay na kawal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 6:16

Nang sila'y papasok na ng lunsod, si David ay naglululundag at nagsasayaw. Nang siya'y madungawan ni Mical na anak ni Saul, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni David.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:18

Nabighani si Jacob kay Raquel, kaya't ang sabi niya kay Laban, “Paglilingkuran ko kayo nang pitong taon para kay Raquel.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 30:1

Nainggit si Raquel sa kanyang kapatid sapagkat hindi siya magkaanak. Sinabi niya kay Jacob, “Mamamatay ako kapag hindi pa tayo nagkaanak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 25:18

Dali-daling naghanda si Abigail ng dalawandaang tinapay. Pinuno niya ng alak ang dalawang sisidlan, nagpapatay ng limang tupa, nagpakuha ng limang takal ng sinangag na trigo, sandaang kumpol ng pasas at dalawandaang tinapay na igos; lahat ng ito'y ikinarga niya sa mga asno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 2:4

Ang kapatid na babae naman ng sanggol ay tumayo sa di kalayuan upang tingnan kung ano ang mangyayari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 35:18

Nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga, ang sanggol ay tinawag niyang Benoni, ngunit Benjamin naman ang ipinangalan ni Jacob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 9:1

Paglipas ng panahon, si Abimelec na anak ni Gideon ay nagpunta sa Shekem, sa mga kamag-anak ng kanyang ina. Sinabi niya sa mga ito,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 16:2

Dalawampung taóng gulang siya nang maghari sa Jerusalem. Naghari siya sa loob ng labing-anim na taon. Hindi siya naging kalugud-lugod sa Diyos niyang si Yahweh sapagkat hindi niya sinundan ang mabuting halimbawa ng kanyang ninunong si David,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 1:6

Ni minsa'y hindi siya pinagsabihan o sinaway ng hari sa mga ginagawa niya. Si Adonias ay nakababatang kapatid ni Absalom, at napakakisig ding tulad nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 14:31

Namatay si Rehoboam at inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno sa Lunsod ni David. Ang ina niya'y isang Ammonita na ang pangala'y Naama. Humalili sa kanya si Abiam na kanyang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 3:1

Naging kakampi ni Solomon ang Faraon, hari ng Egipto, nang kanyang pakasalan ang anak nito. Itinira niya ang prinsesa sa lunsod ni David habang hindi pa tapos ang kanyang palasyo, ang bahay ni Yahweh at ang pader ng Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 5:7

Noo'y iniwan na ang mga nayon sa Israel, ngunit nang dumating ka, Debora, sa Israel ika'y naging isang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 1:2

Nang unang mangusap si Yahweh sa Israel sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya, “Mag-asawa ka ng isang babaing nakikipagtalik sa iba-ibang mga lalaki. Magkaroon ka ng mga anak sa kanya. Sapagkat katulad din ng babaing iyan, ang mga tao sa lupaing ito ay nagtaksil sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 3:11

Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 4:17

Samantala, nakatakas si Sisera at nagtago sa tolda ni Jael na asawa ng Cineong si Heber, sapagkat magkaibigan si Haring Jabin ng Hazor at ang sambahayan ni Heber.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 3:1

Sinabi sa akin ni Yahweh, “Umalis kang muli, at ipakita mo ang iyong pag-ibig sa iyong asawa bagaman siya'y nangangalunya. Sapagkat mahal pa rin ni Yahweh ang Israel kahit na sumamba sila sa ibang mga diyos at laging naghahandog sa mga ito ng tinapay na may pasas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 5:24

“Higit ngang pinagpala ang babaing si Jael, ang asawa ng Cineong si Heber, sa lahat ng babaing nakatira sa mga tolda, higit na pagpapala nakalaan sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:22

Matanda na noon si Eli. Umabot na sa kanyang kaalaman ang kasamaang ginagawa ng kanyang mga anak sa mga Israelita. Alam na rin niya ang pagsiping nila sa mga babaing naglilingkod sa pintuan ng Toldang Tipanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 15:19

Nang makita ng hari si Itai, tinawag ito at sinabi, “Kasama ka rin pala! Mabuti pa'y bumalik ka na sa Jerusalem at hintayin mo roon ang bagong hari. Ikaw ay dayuhan lamang na ipinatapon dito ng inyong bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 19:26

Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya't ito'y naging isang haliging asin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 26:8

Hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon, nadungawan minsan ni Abimelec sina Isaac at Rebeca na naglalambingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 21:7

Sagot sa kanya ni Jezebel, “Para ka namang hindi hari ng Israel. Halika na! Kumain ka at huwag ka nang malungkot! Ibibigay ko sa iyo ang ubasan ni Nabot.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 1:1

Ito ang kasaysayan ng mga nagawa ni Nehemias na anak ni Hacalias. Noon ay ikasiyam na buwan, ng ikadalawampung taon ng paghahari ni Artaxerxes. Akong si Nehemias ay nasa Lunsod ng Susa, ang kabiserang lunsod,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 18:2

Si Jetro ang nag-aruga kay Zipora nang ito'y pauwiin ni Moises sa Midian

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 13:2

Nang panahong iyon, sa bayan ng Zora ay may isang lalaking nagngangalang Manoa na kabilang sa lipi ni Dan. Ang asawa niya ay hindi magkaanak sapagkat ito'y baog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 14:1

Nang ikalawang taon ng paghahari ni Jehoas sa Israel, nagsimula namang maghari sa Juda si Amazias na anak ni Joas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 13:24

Dumating ang araw at nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang batang patuloy na pinagpapala ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 21:1

Si Manases ay labindalawang taóng gulang nang maging hari ng Juda. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampu't limang taon. Ang kanyang ina ay si Hefziba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 10:1

Nabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon. Kaya't nagsadya siya upang subukin ito sa pamamagitan ng mahihirap na katanungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 9:1

Nabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Haring Solomon. Kaya't nagsadya siya sa Jerusalem upang subukin ito sa pamamagitan ng mahihirap na katanungan. Marami siyang kasamang tauhan at mga kamelyong may kargang mga pabango, ginto at mamahaling bato. Nang makaharap niya si Solomon, itinanong niya rito ang lahat ng maisipan niyang itanong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 24:17

Si Matanias na tiyuhin ni Jehoiakin ang ipinalit ni Nebucadnezar dito bilang hari ng Juda at pinalitan niya ng Zedekias ang pangalan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:5

Noong panahong si Herodes ang hari ng Judea, may isang paring Judio na kabilang sa pangkat ni Abias na ang pangala'y Zacarias. Ang kanyang asawang si Elizabeth ay mula naman sa angkan ni Aaron.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:7

Wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa sila matanda na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:56

Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang asawa ni Zebedeo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 38:2

Napangasawa niya roon ang anak ni Sua, isang Cananeo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 10:1

Si Ahab ay may pitumpung anak na lalaki sa Samaria. Sinulatan ni Jehu ang mga pinuno ng Jezreel, ang matatandang pinuno, at ang mga tagapag-alaga ng mga anak ni Ahab. Ganito ang nasa sulat:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 15:40

Naroon din ang ilang babaing nakatanaw mula sa malayo. Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Salome, at si Maria na ina ng nakababatang si Santiago at ni Jose.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:32

Lalaki ang unang anak ni Lea. Ang sabi niya, “Nakita ni Yahweh ang aking suliranin. Ngayon, tiyak na mamahalin ako ng aking asawa.” Kaya't Ruben ang ipinangalan niya rito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 8:20

At sinabi niya sa pinakamatanda niyang anak na si Jeter, “Patayin mo sila!” Palibhasa'y bata, natakot itong bumunot ng tabak at pumatay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 5:2

Nang marinig sila ni Zerubabel na anak ni Sealtiel at ni Josue na anak ni Jozadak, ipinagpatuloy ng mga ito ang pagtatayo ng Templo ng Diyos sa Jerusalem. Tinulungan sila ng mga propeta ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 25:23

Nang makita ni Abigail si David, nagmamadali siyang bumabâ sa kanyang asno at nagpatirapa sa harapan ni David.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 24:16

“Ezekiel, anak ng tao, sa isang iglap ay kukunin ko ang taong pinakamamahal mo ngunit huwag mong itatangis ni iluluha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 24:18

Umaga nang ako'y magsalita sa mga Israelita. Kinagabihan, namatay ang aking asawa. Kinaumagahan, ginawa ko ang iniutos sa akin ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 18:2

Siya'y dalawampu't limang taóng gulang noon at dalawampu't siyam na taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang ina niya ay si Abi na anak ni Zacarias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 25:14-16

Sinabi ng isang pastol kay Abigail, “Si David po ay nagpadala ng sugo sa inyong asawa at magalang na nakipag-usap ngunit sila'y ininsulto ng inyong asawa. Mababait ang mga taong iyon. Tinulungan nila kami at wala silang kinuhang anuman sa amin sa buong panahong kasama namin sila sa parang. Binantayan po nila kami araw-gabi sa aming pagpapastol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 22:20

Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod, si Eliakim na anak ni Hilkias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:35

Nagdalang-tao siyang muli at lalaki pa rin ang kanyang anak. Sinabi niya, “Ngayo'y pupurihin ko si Yahweh.” Kaya't tinawag niya itong Juda. Pagkatapos noo'y hindi na siya nagkaanak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 36:3

Doon sila pinuntahan ng punong ministro sa palasyo na si Eliakim, anak ni Hilkias. Kasama niya ang kalihim na si Sebna at ang tagapagtala na si Joa na anak ni Asaf.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 8:3

Sinipingan ko ang aking asawa. Siya'y naglihi at nanganak ng isang lalaki. At sinabi sa akin ni Yahweh: “Ang ipangalan mo sa kanya'y Maher-salal-has-baz.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 8:18

Ako at ang mga anak na kaloob sa akin ni Yahweh ay palatandaan at sagisag sa Israel, mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na naninirahan sa Bundok ng Zion.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:10-31

Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya. Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan. Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana. Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw. Sa kanya'y mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi'y makikitang nagtitiyaga. Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit. “Mayroon akong sasabihin sa iyo anak, na tugon sa aking dalangin. Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad. Hindi siya nag-aalala dumating man ang tagginaw, pagkat ang sambahayan niya'y may makapal na kasuotan. Gumagawa siya ng makakapal na sapin sa higaan at damit na pinong lino ang sinusuot niya. Ang kanyang asawa'y kilala sa lipunan at nahahanay sa mga pangunahing mamamayan. Gumagawa pa rin siya ng iba pang kasuotan at ipinagbibili sa mga mangangalakal. Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal. Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan. Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw. Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak: “Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.” Huwag mong uubusin sa babae ang lakas mo at salapi, at baka mapahamak kang tulad ng ibang hari. Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan. Ibigay sa kanya ang lahat ng parangal, karapat-dapat siya sa papuri ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:27

Hiniling ko sa kanya na ako'y pagkalooban ng anak at binigyan nga niya ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:28

Kaya naman po inihahandog ko siya kay Yahweh upang maglingkod sa kanya habang buhay.” Pagkatapos nito, sinamba nila si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 9:1-2

Sa lipi ni Benjamin ay may isang mayamang lalaki. Siya'y si Kish na anak ni Abiel at apo ni Zeror, mula sa sambahayan ni Becorat at sa angkan ni Afia. Sinabi ni Saul, “Sige, tayo na. Pumunta tayo sa sinasabi mong lingkod ng Diyos.” At nagpunta nga sila sa lunsod na kinaroroonan ng nabanggit na lingkod ng Diyos. Sa daan, nakasalubong sila ng mga dalagang sasalok ng tubig. “Narito kaya ang manghuhula?” tanong ni Saul sa mga dalaga. Sumagot ang mga dalaga, “Opo. Kararaan lang niya papunta sa altar sa burol sapagkat maghahandog doon ang mga tao. Lumakad na kayo at pagpasok ninyo ng lunsod ay makikita ninyo siya. Magmadali kayo upang maabutan ninyo siya bago makaakyat sa altar para kumain. Hindi kakain ang mga taong naroon hangga't hindi siya dumarating sapagkat kailangan munang basbasan ang mga handog. Pagkabasbas, saka kakain ang mga panauhin.” At nagtuloy nga sila sa lunsod. Papasok na sila nang makita nila si Samuel na papunta naman sa altar na paghahandugan. Isang araw bago dumating doon si Saul, nagpakita kay Samuel si Yahweh at sinabi, “Bukas nang ganitong oras, may darating sa iyong isang lalaking taga-Benjamin. Pahiran mo siya ng langis bilang pinuno ng aking bayang Israel. Siya ang magtatanggol sa mga Israelita laban sa mga Filisteo. Naaawa na ako sa nakikita kong paghihirap ng aking bayan at narinig ko ang kanilang karaingan.” Nang dumating si Saul, sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Iyan ang lalaking sinasabi ko sa iyo na maghahari sa Israel.” Lumapit si Saul kay Samuel at nagtanong, “Saan po ba nakatira ang manghuhula?” Sumagot si Samuel, “Ako ang manghuhula. Sumama ka sa akin sa altar sa burol at magsasalo tayo sa pagkain. Bukas ka na ng umaga umuwi pagkatapos kong sabihin sa iyo ang gusto mong malaman. Si Kish ang ama ni Saul na siya namang pinakamakisig at pinakamatangkad na lalaki sa buong Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at Makapangyarihang Diyos! Lumalapit po ako sa’yo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo. Tulungan mo po akong maging isang taong may takot sa’yo, tulad ni Sara, na puno ng iyong biyaya, pananampalataya, at paglingap, at laging nakakakita ng kapayapaan sa iyong piling. Panginoon, gabayan at turuan mo po ako ng pamumuno tulad ni Debora, upang mapalakas at maimpluwensyahan ko ang iba, sa tulong ng iyong Banal na Espiritu. Ama, hinihiling ko po na turuan mo akong maging mapagmahal at matalino tulad ni Ruth, na isinantabi ang lahat upang mahalin at paglingkuran ka. Bigyan mo rin po ako ng katapangan at karunungan ni Ester, upang maprotektahan ang aking pamilya mula sa mga pag-atake ng kaaway, at magabayan ang iba patungo sa kaligtasan na makakamtan kay Kristo Hesus. Panginoon, tulungan mo po akong maging matalino, masunurin, at determinado upang makapagbigay inspirasyon sa buhay ng iba. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas