Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


106 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa pagkakaroon ng Awa, pagiging maawain

106 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa pagkakaroon ng Awa, pagiging maawain

Bagong umaga, bagong pagpapala, bagong habag mula sa Diyos. Ramdam mo ba ang pagmamahal at pagkalinga Niya sa bawat sandali? Isipin mo, gaano katindi ang awa ng Diyos, 'di ba?

Ang pagpapatawad sa ating mga kasalanan ay nagmumula sa puso ng Ama. Kapag lumalapit tayo sa Kanya nang may pagsisisi, bukas ang Kanya mga bisig para sa atin. Gusto Niya na matuto rin tayong magpatawad, tulad ng ginawa ni Hesus para sa ating lahat. Napakalaki ng sakripisyo Niya, namatay Siya para sa atin kahit na alam Niya ang ating mga pagkukulang.

Nasaan kaya tayo kung wala ang walang hanggang awa ng Diyos? Isipin mo 'yun. Sa pagtanggap natin ng Kanyang habag, mas nauunawaan natin ang tunay na kahulugan nito. Sobrang mahal tayo ng Diyos, kaya huwag nating abusuhin ang Kanyang biyaya. Mabuhay tayo nang may katapatan at kabutihan.

Alalahanin mo ang mga pagkakataong pinatawad ka Niya. Sulitin mo ang mga bagong pagkakakataon na ibinibigay Niya sa'yo. Kung paanong naging maawain Siya sa'yo, ganun din ang gawin mo sa kapwa mo. Iwasan nating maging mapaghiganti o maging mapanghusga.

Kung magpapatawad ka, papatawarin ka rin ng Diyos. Lagi Siyang nandyan para sa'yo. Tandaan mo, ang nagpapatawad ay patatawarin din. Punuin mo ang buhay mo ng kabutihan at awa, at pagpapalain ka ng Diyos. Nawa'y laging nasa puso natin ang pagmamahal at pagpapatawad.


Efeso 4:32

At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12

Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba; Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon; Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin; Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy. Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak. Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao. Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao. Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:17

Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:15

Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:33

Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:8

Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:33-34

Datapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag, At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:9

Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:1

Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17

Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:7

Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:21

Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 102:13

Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:35-40

Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan. Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka? At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin? Datapuwa't ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:3-4

Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1-2

Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili. At muling sinasabi niya, Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan. At muli, Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil; At purihin siya ng lahat ng mga bayan. At muli, sinasabi ni Isaias, Magkakaroon ng ugat kay Jesse, At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil; Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil. Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa. Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios, Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo. Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios. Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa, Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo; Bawa't isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:4

Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan; Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:12

At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:13

Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:1-4

Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag, Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig; Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo: Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan, Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan. Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat: At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin. Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan. Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip; Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan. Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo. Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio. Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin: Datapuwa't umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali. Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan. Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit: Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan. Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan. Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo: Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili; Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin. Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:3

Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:15

Sapagka't sinasabi niya kay Moises, Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:8

Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:6-7

Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:18

At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:1-2

Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas? Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya? Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta. Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon. Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila. Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti. Bawa't punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy. Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:77

Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:13

Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:13

Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:19-21

Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin. Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita? At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:7

Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:30

Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:20

Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:13

At pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan niya, at sinabi sa kaniya, Huwag kang tumangis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:11-12

Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:16

Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:20-21

Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo. Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:8-9

Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob. Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:6

At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:10

Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:32-34

At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila. At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan. At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:36

Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:10

Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:10

Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:4

O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:27

Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:13

Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y kinahabagan ako, sapagka't yao'y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:43

Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:7

Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:50

At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:21-22

Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:7

Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:7

Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 19:16

Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 14:6

Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha, sapagka't ang Panginoon ang kaniyang kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:14-15

Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:1

Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:13

Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:6

Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:8

Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17

Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:36-37

Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan? At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:5

Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan: ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:10

Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:40

At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3

Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:7

Sa ganito'y mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:16

Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:11

Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:16

Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:36

Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:13

Sapagka't ang paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:7

Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:13

Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain: sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 39:21

Datapuwa't ang Panginoon ay suma kay Jose, at iginawad sa kaniya ang awa, at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:5

Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:22-23

Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:11

Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon: panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 12:6

Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:6

Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:6

Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:26

Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 85:10

Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:1

Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Panginoong Hesukristo, lumalapit po ako sa iyo upang magpasalamat sa iyong walang hanggang awa na nagpapanibago sa aking buhay bawat araw. Ama naming mahal, hinihiling ko po na baguhin mo ako upang maging tunay na repleksyon ng iyong pag-ibig. Tulungan mo po ako, Espiritu Santo, na maging maawain sa aking kapwa. Punuin mo po ako ng iyong pagmamahal upang ang iyong pangalan ay luwalhatiin sa pamamagitan ng aking paglilingkod, mga gawa, at mga salita. Bigyan mo po ako ng dalisay at tunay na puso, at balutin ito ng pag-ibig sapagkat ito ang perpektong bigkis. Tulungan mo po ako, Panginoon, na maging maawain ang aking mga mata, upang hindi ko husgahan ang panlabas na anyo, kundi husgahan ko muna ang aking sarili upang makita ko ang kagandahan sa kaluluwa ng aking kapwa at maudyukan mo ako na tulungan sila. Hinihiling ko po ang iyong tulong, Panginoon, upang maging maawain ang aking mga tainga at ang aking puso ay makinig sa mga pangangailangan ng aking kapwa at hindi maging manhid sa kanilang kalungkutan. Tulungan mo po ako, Panginoon, na ang aking bibig ay maging maawain at hindi pintasan ang aking kapwa, kundi magkaroon ng mga salitang nakaaaliw at nagpapatawad para sa lahat. Hinihiling ko rin po, Panginoon, na ang aking mga kamay ay maging maawain upang gumawa ng mabuti sa aking kapwa. Tulungan mo po akong magpatawad sa mga nagkasala at nanira sa akin, na maging tapat kahit sa mga umaabuso sa aking kabutihan. Nawa’y ang iyong awa, Espiritu Santo, ay manatili sa aking puso, baguhin mo po ang aking buhay sapagkat kaya mo ang lahat. Tulungan mo po akong maging maawain tulad ng iyong pagka-maawain sa akin, dahil nasusulat: “Sa maawain ay ikaw ay magiging maawain, at sa matuwid ay ikaw ay magiging matuwid.” Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas