Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


149 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kagandahan ng Paglikha

149 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kagandahan ng Paglikha
Genesis 1:1

Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:1

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:31

Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaanim na araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:20

Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:3-4

Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:24-25

Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa. Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan, malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:26

Tumingala kayo sa langit! Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos, at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan? Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan, walang nawala sa kanila kahit isa man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:6

Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:1-2

Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon. Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah) Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:12-13

“May galak na lilisanin ninyo ang Babilonia, mapayapa kayong aakayin palabas ng lunsod. Aawit sa tuwa ang mga bundok at mga burol, sisigaw sa galak ang mga punongkahoy. Sa halip na mga tinik, kahoy na mayabong ang siyang tutubo; sa halip na dawag, mga kakahuyan ay muling darami at magsisilago. Ang lahat ng ito'y parangal kay Yahweh, walang hanggang tanda sa lahat ng kanyang mga ginawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:12-13

Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan, at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman. Pagkarinig sa kanyang utos, umugong ang mga tubig sa kalangitan; napagsama-sama niya ang mga ulap mula sa lahat ng hangganan ng lupa. Nagagawa niyang pakislapin ang kidlat sa gitna ng ulan, at nagpapaihip sa hangin mula sa kublihan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:11-12

Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:19-20

Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan. Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig, pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 9:6

At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito: “Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon; ikaw ang lumikha ng kalangitan at ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit, ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito; ang dagat at ang lahat ng naroroon. Binibigyang buhay mo sila, at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:1-2

Papurihan mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Ikaw, Yahweh na aking Diyos, kay dakila mong talaga! Karangala't kamahalan, lubos na nadaramtan ka. Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan, sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan. Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon, maging hayop na mailap may tubig na naiinom. Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya, mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga. Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig. Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina. Ang mga kahoy ni Yahweh, masaganang nadidilig, mga sedar ng Lebanon, kayo mismo ang nagtanim. Sa malagong mga puno at malabay nitong sanga, mga ibo'y nagpupugad, doon sila tumitira. Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan, sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan. Ang buwan ay nababatid sa buwan ding iyong likha, araw nama'y lumulubog sa oras na itinakda. O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:16

Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:24-25

Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto ay ang Panginoon ng langit at ng lupa, at hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:1-6

Purihin si Yahweh! Purihin ang Diyos, nitong kalangitan, kayo sa itaas siya'y papurihan. hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon. Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo; babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan. Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh! Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang, kasama ang hukbo roong karamihan! Ang araw at buwan, siya ay purihin, purihin din siya ng mga bituin, mataas na langit, siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin! Siya ang may utos na kayo'y likhain, kaya ang ngalan niya ay dapat purihin. Kanyang itinatag, kanilang kinalagyan, hindi magbabago magpakailanpaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:4-7

Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo. Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom? Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito? Sino ang sumukat, alam mo ba ito? Sino ang may hawak ng mga haligi ng mundo? Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato? Noong umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan, at mga nilalang sa langit, sa tuwa'y nagsigawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:3

Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:5-9

Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:2-3

Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala; lahat niyang gawa'y dakila at wagas, katuwiran niya'y hindi magwawakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:31

Sana ang iyong karangala'y manatili kailanman, sa lahat ng iyong likha ang madama'y kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:11

Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:4-5

Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman; ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan. Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:12

Ako ang lumikha ng buong daigdig, pati mga taong doo'y tumatahan. Maging ang kalangitan, ako ang nagladlad, ako ang may kapangyarihan sa araw, buwan at mga bituin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:36

Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 4:11

“Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nagkaroon ng buhay at nalikha.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 102:25

nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 26:7-8

Ang kalawakan sa hilaga ay kanyang inilagay, ibinitin niya ang daigdig sa gitna ng kawalan. Ang tubig ay iniipon sa balumbon ng mga ulap, at pinipigil niya ito kahit na anong bigat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 9:13

Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari, at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:8

Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:8-9

Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:12-13

Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang-liwayway? Ang daigdig ba ay naigawa mo ng tanglaw, upang ang masasama'y mabulabog sa taguan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:10-11

Pagkat akin iyang hayop sa gitna ng kagubatan, maging bakang naglipana sa maraming kaburulan. Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas, at ang lahat na may buhay sa parang ay akin lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:22

Ako si Yahweh; hindi ba kayo natatakot sa akin o nanginginig sa presensya ko? Ako ang naglagay ng buhangin upang maging hangganan ng karagatan, isang palagiang hangganan na hindi kayang bagtasin. Kahit magngalit ang dagat at tumaas ang mga alon, hindi sila makakalampas dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:22

Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan; mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam. Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina, tulad ng tolda upang matirahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:28-29

“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:4

Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:1-2

Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:22

“Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan ng niyebe at ng yelong ulan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:3

Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:27-29

Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na, maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga. Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay, at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman. Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat, nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:12

Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:6-8

Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: mga tupa at kawan pati na ang mababangis, lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 14:17

Gayunman, nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo. Binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinupuno ng kagalakan ang inyong mga puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:20-21

Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits, sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto, upang may mainom ang mga taong hinirang ko. Nilalang ko sila upang maging aking bayan, upang ako'y kanilang laging papurihan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:5-6

Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan. Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:9

Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:25-29

Nang siya'y mag-utos, nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas, lumaki ang alon na kung pagmamasdan, ay pagkatataas. Ang sasakyan nila halos ay ipukol mula sa ibaba, kapag naitaas ang sasakyang ito'y babagsak na bigla; dahil sa panganib, ang pag-asa nila ay halos mawala. Ang kanilang anyo'y parang mga lasing na pahapay-hapay, dati nilang sigla't mga katangia'y di pakinabangan. Nang nababagabag, kay Yahweh sila ay tumawag, dininig nga sila at sa kahirapan, sila'y iniligtas. Ang bagyong malakas, pinayapa niya't kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:5

Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita, at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:3-4

Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila't makapangyarihang Diyos, ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos. Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman; ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:14-15

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. Mula sa langit, ang mga ito'y magbibigay ng liwanag sa daigdig.” At gayon nga ang nangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:14-15

Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:13

Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:7-8

Mag-ingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy, umawit ang buong mundo at lahat ng naroroon. Umugong sa palakpakan pati yaong karagatan; umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:18-20

Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol, aagos ang masaganang tubig sa mga libis; gagawin kong lawa ang disyerto, may mga batis na bubukal sa tuyong lupain. Ang mga disyerto'y pupunuin ko ng akasya't sedar, kahoy na olibo at saka ng mirto; kahoy na sipres, alerses at pino. “Sino ang nagdala sa isang mananakop mula sa silangan, at nagbigay ng tagumpay sa lahat ng kanyang pakikipaglaban? Ang mga hari't mga bansa ay parang alikabok na lumilipad sa bawat hataw ng kanyang tabak; at parang dayaming tinatangay dahil sa kanyang pana. At kung magkagayon, makikita nila at mauunawaan na akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang gumawa at lumikha nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:17-18

Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan. Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:17

si Jeremias ay nanalangin: “Panginoong Yahweh, nilikha mo ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan. Walang bagay na mahirap para sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:15-18

Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak, para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag. Mga yelong buo-buo, sinlaki ng munting bato, lumalagpak, na ang lamig di matiis kahit sino. Ang yelo ay natutunaw, sa isa lang niyang utos, umiihip ang hangin at ang tubig ay umaagos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:30-31

ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain, ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw. Ako ay nagdiwang, nang daigdig ay matapos, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 26:10-14

Pinaghiwalay niya ang liwanag sa kadiliman, ng bilog na guhit sa ibabaw ng karagatan. Mga haligi nitong langit ay nanginginig sa takot, nauuga, nayayanig kapag sinaway ng Diyos. Sa kanyang kapangyarihan, pinatahimik niya ang dagat; sa kanyang karunungan, pinuksa niya ang dambuhalang si Rahab. Sa pamamagitan ng hininga niya, ang langit ay umaaliwalas, pinuksa ng kamay niya ang dambuhalang tumatakas. Maliit na bahagi lang ito ng kanyang kapangyarihan, na hindi pa rin natin lubos na maunawaan. Sino kaya ang tatarok sa tunay niyang kadakilaan?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:2

Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:5

Siya ang may utos na kayo'y likhain, kaya ang ngalan niya ay dapat purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:7

sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:6-9

Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing, magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit. Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain, ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka. Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas, hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong. Walang mananakit o mamiminsala sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala; sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:45

upang kayo'y maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:24

Nang marinig ito ng mga mananampalataya, sama-sama silang nanalangin sa Diyos, “Panginoon, kayo po ang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nasa mga ito!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:19-21

Sapagkat nananabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. Sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritung nagbibigay-buhay dahil sa pakikiisa natin kay Cristo-Jesus, pinalaya na ako mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag-asa na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:18-22

Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan, sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan. Ang buwan ay nababatid sa buwan ding iyong likha, araw nama'y lumulubog sa oras na itinakda. O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad. Lumikha ka nitong dilim, at gabi ang itinawag, kung gumabi gumigising ang hayop na maiilap. Umuungal itong leon, samantalang humahanap ng kanyang makakain na sa Diyos din nagbubuhat. Kung sumapit ang umaga, dala nito kanyang huli, pumupunta sa tagua't doon siya nangungubli;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-15

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 37:14-16

“Tumigil ka sandali, Job, at iyong isipin, ang mga gawa ng Diyos na walang kahambing. Alam mo ba kung paano niya inuutusan, na maglabasan ang kidlat sa kalangitan? Alam mo ba kung bakit ang ulap ay lumulutang? Iyan ay gawa ng makapangyarihan niyang kamay. Tunay at ganap ang kanyang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:24

“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:8

Dahilan sa ginawa mong mga bagay na dakila, natatakot ang daigdig, at ang buong sangnilikha. Bunga nitong ginawa mo, sa galak ay sumisigaw, buong mundo, kahit saang sulok nitong daigdigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 26:13

Sa pamamagitan ng hininga niya, ang langit ay umaaliwalas, pinuksa ng kamay niya ang dambuhalang tumatakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:15-16

Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:4-5

May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:3

Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana; maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:69

Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo, katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako; lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:30-34

sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa. Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa. Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa. “Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita. Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon, ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh. Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatan sa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan. Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:5

Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya't sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:4

Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin, isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:1-2

Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. Napasailalim ako sa kapangyarihan ng Espiritu, at ako'y dinala ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal na Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaluwalhatian ng Diyos; kumikislap na parang batong hiyas, gaya ng jasper, at sinlinaw ng kristal. Ang pader nito'y makapal, mataas at may labindalawang (12) pinto, at sa bawat pinto ay may isang anghel. Nakasulat sa mga pinto ang mga pangalan ng labindalawang (12) lipi ng Israel, isang pangalan bawat pinto. May tatlong pinto ang bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang (12) pundasyon at nakasulat sa mga ito ang mga pangalan ng labindalawang (12) apostol ng Kordero. Ang anghel na nagsalita sa akin ay may hawak na gintong panukat upang sukatin ang lungsod, gayundin ang mga pinto at ang pader nito. Parisukat ang ayos ng lungsod, kung ano ang haba, ganoon din ang luwang. Sinukat ng anghel ang lungsod, at ang lumabas na sukat ng lungsod ay dalawang libo apatnaraang (2,400) kilometro ang haba at ang luwang, gayundin ang taas. Sinukat din niya ang pader at animnapu't limang (65) metro naman ang taas nito, ayon sa panukat na dala ng anghel. Batong jasper ang pader, at ang lungsod ay lantay na gintong kumikinang na parang kristal. Ang saligan ng pader ay punô ng lahat ng uri ng mamahaling bato. Jasper ang una, safiro ang ikalawa, kalsedonia ang ikatlo, esmeralda ang ikaapat, At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:10-12

Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan, sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan. Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon, maging hayop na mailap may tubig na naiinom. Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya, mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:32

Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:1-2

O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit! Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:25

Tinalikuran nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:17

Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:25-26

Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 1:5-7

Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 29:3-4

Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat, ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat, umaalingawngaw at naririnig ng lahat. Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan, at punung-puno ng kadakilaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:1-2

Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan? Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya; kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito! Kayo'y makigalak at makipagsaya, lahat kayong tumangis para sa kanya. Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya, tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina. Sabi ni Yahweh: “Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan. Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog. Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina. Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak. Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito; ikaw ay lalakas at lulusog. Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin; at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway.” Darating si Yahweh na may dalang apoy at nakasakay sa mga pakpak ng bagyo upang parusahan ang mga kinamumuhian niya. Apoy at espada ang gagamitin niya sa pagpaparusa sa mga nagkasala; tiyak na marami ang mamamatay. Ang sabi ni Yahweh, “Malapit na ang wakas ng mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, sumasama sa nagpuprusisyon patungo sa mga sagradong hardin, at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na marumi. “Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan. Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila. Ngunit magtitira ako ng ilan upang ipadala sa iba't ibang bansa. Susuguin ko sila sa Tarsis, sa Libya at sa Lydia, mga dakong sanay sa paggamit ng pana. Magsusugo rin ako sa Tubal at Javan, at sa mga baybaying hindi pa ako nababalita sa aking kabantugan. Ipahahayag nila sa lahat ng bansa kung gaano ako kadakila. Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:24

Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:10

Ang Diyos ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay, ang buhay ng bawat isa ay nasa kanyang mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:33-34

Nagagawa niyang tuyuin ang ilog na tulad ng ilang, maging mga batis ay nagagawa ring parang lupang tigang. Ang lupang mataba, kung kanyang ibigi'y nawawalang saysay, dahilan sa sama ng mga nilikhang doo'y nananahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:5

Sinasadya nilang hindi pahalagahan ang katotohanang ang langit at lupa ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang salita. Nilikha ang lupa buhat sa tubig at sa pamamagitan ng tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:4-5

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 144:5-6

Langit mong tahanan ay iyong hubugin, Yahweh, lisanin mo't bumabâ sa amin; mga kabundukan ay iyong yanigin, lalabas ang usok, aming mapapansin. Ang maraming kidlat ay iyong suguin, lahat ng kaaway iyong pakalatin; sa pagtakas nila ay iyong tudlain!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:4

Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:9

Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan, mga kababalaghan niya ay walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:1-2

Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, At sinabi rin niya sa akin, “Huwag mong ililihim ang mga propesiya na nasa aklat na ito, sapagkat malapit nang maganap ang mga ito. Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang namumuhay sa kalooban ng Diyos ay magpatuloy sa gayong pamumuhay at ang banal sa pagiging banal.” At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa! Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.” Pinagpala ang naglilinis ng kanilang kasuotan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. Subalit maiiwan sa labas ng lungsod ang mga asal-aso, ang mga mangkukulam, ang mga nakikiapid, ang mga mamamatay-tao, ang mga sumasamba sa diyus-diyosan, at ang mga mahilig magsinungaling at mandaya. “Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako ang ugat at supling ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.” Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!” Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad. Akong si Juan ay nagbibigay ng babala sa sinumang makarinig sa mga propesiya na nasa aklat na ito: sa sinumang magdaragdag sa nilalaman ng aklat na ito ay idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito. Ang sinumang mag-alis ng anuman sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, ay aalisan ng Diyos ng karapatang makibahagi sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lungsod na binabanggit dito. at umaagos sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay ang punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ito'y namumunga ng labindalawang (12) uri ng bunga, isang uri sa bawat buwan. Nakapagpapagaling sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:11-13

Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo; babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan. Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:3

upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:22

O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang, sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal; O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:1-3

Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising. Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo, at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo. Lubos akong nasusuklam sa sinumang muhi sa iyo, ang lahat ng nag-aalsa laban sa iyo'y di ko gusto. Lubos akong nagagalit, lubos din ang pagkasuklam, sa ganoong mga tao ang turing ko ay kaaway. O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid. Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:1

Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:2

Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:14

Ang pinakamataas na langit, ang daigdig at ang lahat ng narito ay kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:25

Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka. At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba. Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok. Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:6

Ang buong kalangita'y naghahayag na ang Diyos, isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 124:8

Tulong nating kailangan ay kay Yahweh nagmumula, pagkat itong lupa't langit tanging siya ang lumikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:14

Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:24

Hindi man lamang ninyo inisip na parangalan si Yahweh na inyong Diyos, gayong siya ang nagbibigay ng ulan sa takdang panahon, at nagpapasapit sa panahon ng pag-aani taun-taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:16-17

Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:16

“Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng karagatan? Ang sahig ng dagat ay iyo bang nalakaran?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:4-5

ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw, tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan, tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:18-19

Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw. Sapagkat nananabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 35:1-2

Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang; mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto. Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh na masiglang umaawit ng pagpupuri. Paghaharian sila ng kaligayahan. Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman. Ang disyerto ay aawit sa tuwa, ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon. Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian at kapangyarihan ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:25-26

Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan, malalaki't maliliit na isda ay di mabilang. Iba't ibang mga bapor ang dito ay naglalakbay, samantalang ang Leviatang nilikha mo'y kaagapay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:12-13

Sabi ni Yahweh: “Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan. Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog. Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina. Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:39-41

“Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom? Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo. Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:4

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 102:18-22

Ito'y masusulat upang matunghayan, susunod na lahing di pa dumarating; ikaw nga, O Yahweh, ang siyang pupurihin. Mula sa itaas, sa trono mong banal, ang lahat sa lupa'y iyong minamasdan. O huwag ka sanang magkubli sa akin, lalo sa panahong may dusa't bigatin. Kapag ako'y tumawag, ako'y iyong dinggin sa sandaling iyo'y agad mong sagutin. Iyong dinirinig ang pagtataghuyan ng mga bilanggong ang hatol ay bitay, upang palayain sa hirap na taglay. Anupa't ang iyong ngala'y mahahayag, sa Zion, O Yahweh, ika'y itatanyag; at sa Jerusalem pupurihing ganap kapag ang mga bansa ay nagsasama-sama sa banal na lunsod upang magsisamba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:5-7

Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos, sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos. Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan, may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan. Sa taglay mong kalakasan, mga bundok tumatatag; dakila ka't ang lakas mo ay sa gawa nahahayag! Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik, pati along malalaki sa panahong nagngangalit; maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:11-12

Sa iyo ang langit, sa iyo ang lupa, ang buong daigdig ikaw ang maylikha, lahat nang naroo'y sa iyo nagmula. Timog at hilaga, ikaw ang naglagay; Bundok Hermo't Tabor ay nag-aawitan, nagpupuri sila sa iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:10

Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang gumawa ng kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:35-38

Kahit naman ilang, nagagawa niyang matabang lupain, nagiging batisang sagana sa tubig ang tuyong lupain. Sa lupaing iyon, ang mga nagugutom doon dinadala, ipinagtatayo ng kanilang lunsod at doon titira. Sila'y nagbubukid, nagtatanim sila ng mga ubasan, umaani sila ng saganang bunga, sa lupang tinamnan. Sila'y pinagpala't lalong pinarami ang kanilang angkan, at dumarami rin pati mga baka sa kanilang kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:22-23

“Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan ng niyebe at ng yelong ulan? Ang mga ito'y aking inilalaan, sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:20-23

Lumikha ka nitong dilim, at gabi ang itinawag, kung gumabi gumigising ang hayop na maiilap. Umuungal itong leon, samantalang humahanap ng kanyang makakain na sa Diyos din nagbubuhat. Kung sumapit ang umaga, dala nito kanyang huli, pumupunta sa tagua't doon siya nangungubli; samantalang itong tao humahayo sa gawain, sa paggawang walang tigil inaabot na ng dilim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:5

Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa, matatag na ginawa mo't hindi ito mauuga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 26:8

Ang tubig ay iniipon sa balumbon ng mga ulap, at pinipigil niya ito kahit na anong bigat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:8-9

Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha! Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 10:6

at nanumpa sa pangalan ng Diyos na nabubuhay magpakailanman na siyang lumikha ng langit, lupa, dagat, at ng lahat ng naroroon. Sinabi ng anghel, “Hindi na magtatagal!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-2

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:29-31

Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 93:4

Parang tubig na marami, ang buhos ay parang kulog, malakas pa kaysa alon ng dagat na mayro'ng unos; higit pa sa mga ito si Yahweh na dakilang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 14:22

Hindi makakagawa ng ulan ang mga diyus-diyosan ng alinmang bansa; hindi makapagpapaambon man lamang ang mga langit. Nasa iyo, O Yahweh, ang aming pag-asa, sapagkat ikaw lamang ang makakagawa ng mga bagay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:3

Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:13

Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:15-16

Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay! Ang lakas ni Yahweh ang siyang nagdulot ng ating tagumpay, sa pakikibaka sa ating kaaway.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas