Biblia Todo Logo
Online na Bibliya

- Mga patalastas -




2 Samuel 7:9 - Ang Salita ng Dios

9 Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at nilipol ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 Ako'y naging kasama mo saan ka man pumunta, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Kasama mo ako saan ka man magtungo at lahat mong mga kaaway ay aking nilipol. Gagawin kong dakila ang iyong pangalan tulad ng mga dakilang tao sa daigdig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Kasama mo ako saan ka man magtungo at lahat mong mga kaaway ay aking nilipol. Gagawin kong dakila ang iyong pangalan tulad ng mga dakilang tao sa daigdig.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 7:9
23 Mga Krus na Reperensya  

Gagawin kong isang tanyag na bansa ang lahi mo. Pagpapalain kita at magiging tanyag ang iyong pangalan. Sa pamamagitan mo, marami ang pagpapalain.


Umawit si David sa Panginoon nang iligtas siya ng Panginoon sa kamay ng mga kalaban niya at kay Saul.


Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.


Dinurog ko sila hanggang sa naging parang alikabok na lamang na inililipad ng hangin, at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.


Pinatanyag ng Kataas-taasang Dios si David na anak ni Jesse. Pinili siya ng Dios ni Jacob para maging hari, at sumulat siya ng magagandang awit ng Israel. Ito ang mga huling pangungusap niya:


Lalong nagiging makapangyarihan si David dahil tinutulungan siya ng Panginoong Dios na Makapangyarihan.


Naging tanyag pa si David nang mapatay niya ang 18,000 Edomita sa lambak na tinatawag na Asin.


Naglagay siya ng mga kampo sa buong Edom, at sinakop niya ang mga Edomita. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pinupuntahan niya.


Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damascus, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya.


Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at nilipol ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo.


Dahil nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon, pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang walang katapusan, at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling. At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat, Kataas-taasang Dios, hindi siya mabubuwal.


Dudurugin ko sa kanyang harapan ang kanyang mga kaaway, at lilipulin ang mga may galit sa kanya.


Ibinagsak niya ang mga makapangyarihang hari mula sa kanilang mga trono, at itinaas niya ang mga nasa mababang kalagayan.


Kasama ni Josue ang Panginoon, at naging tanyag siya sa buong lupain.


Nagtagumpay si David sa lahat ng ginagawa niya dahil kasama niya ang Panginoon.


Nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng mga Israelita at mga Filisteo. Bawat labanan, mas nagiging matagumpay si David kaysa sa lahat ng opisyal ng hari. Kaya lalong nakilala ang pangalan ni David sa buong bayan.


Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan. Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan. Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.


Kaya nang araw na iyon, namatay si Saul, ang tatlo niyang anak na lalaki, ang tagapagdala niya ng armas at ang lahat ng tauhan niya.


Dahil doon, ipinadala nila ang Kahon ng Dios sa Ekron. Habang padating pa lang sila roon, nagrereklamo na ang mga mamamayan ng Ekron. Sinabi nila, “Dinala nila rito ang Kahon ng Dios ng Israel para patayin din tayong lahat.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas