Biblia Todo Logo
Online na Bibliya

- Mga patalastas -




2 Samuel 1:24 - Ang Salita ng Dios

24 Mga babae ng Israel, magdalamhati kayo para kay Saul. Dahil sa kanyaʼy nakapagsuot kayo ng mga mamahaling damit at alahas na ginto.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

24 Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul, Na siyang sa inyo'y maselang na nagbihis ng escarlata, Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

24 “Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul, na sa inyo'y nagbihis ng matingkad na pula, na siyang naglagay ng palamuting ginto sa inyong mga kasuotan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

24 Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul, Na siyang sa inyo'y maselang na nagbihis ng escarlata, Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

24 “Mga kababaihan ng Israel, kayo'y magsitangis, sa pagpanaw ni Saul na sa inyo'y nagparamit ng magandang kasuotang may hiyas na nakakabit.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

24 “Mga kababaihan ng Israel, kayo'y magsitangis, sa pagpanaw ni Saul na sa inyo'y nagparamit ng magandang kasuotang may hiyas na nakakabit.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 1:24
10 Mga Krus na Reperensya  

Minahal at kinagiliwan ng mga Israelita sina Saul at Jonatan. Magkasama sila sa buhay at kamatayan. Sa digmaan, mas mabilis pa sila sa agila at mas malakas pa sa leon.


Ang magigiting na sundalo ng Israel ay napatay sa labanan. Pinatay din si Jonatan sa inyong kabundukan.


“Nagsisitakas ang mga hari at ang kanilang mga hukbo! Ang mga naiwan nilang kayamanan ay pinaghati-hatian ng mga babae ng Israel.


Sa taong nakikinig, ang magandang payo ng marunong ay higit na mabuti kaysa sa mga gintong alahas.


Hindi siya nag-aalala, dumating man ang taglamig, dahil may makakapal siyang tela para sa kanyang pamilya.


“Makakalimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga alahas o ang damit niyang pangkasal? Pero kayong mga hinirang ko, matagal na ninyo akong kinalimutan.


“Baka natagalan sila sa pangunguha at paghahati ng mga bagay na nasamsam nila sa kanilang mga kalaban: isa o dalawang babae para sa bawat sundalo, mamahaling damit para kay Sisera, at binurdahang damit na napakaganda para sa akin.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas