Biblia Todo Logo
Online na Bibliya

- Mga patalastas -




2 Samuel 1:23 - Ang Salita ng Dios

23 Minahal at kinagiliwan ng mga Israelita sina Saul at Jonatan. Magkasama sila sa buhay at kamatayan. Sa digmaan, mas mabilis pa sila sa agila at mas malakas pa sa leon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

23 Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan. At sa kanilang kamatayan sila'y hindi naghiwalay; Sila'y lalong maliliksi kay sa mga agila, Sila'y lalong malalakas kay sa mga leon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

23 “Sina Saul at Jonathan, minamahal at kaibig-ibig! Sa buhay at sa kamatayan ay hindi sila nagkahiwalay; sila'y higit na maliliksi kaysa mga agila, sila'y higit na malalakas kaysa mga leon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

23 Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan. At sa kanilang kamatayan sila'y hindi naghiwalay; Sila'y lalong maliliksi kay sa mga agila, Sila'y lalong malalakas kay sa mga leon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

23 “Si Saul at si Jonatan ay ulirang mag-ama, sa buhay at kamatayan ay palaging magkasama. Bilis nila'y higit pa sa agila, higit pa kaysa leon ang lakas na taglay nila.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

23 “Si Saul at si Jonatan ay ulirang mag-ama, sa buhay at kamatayan ay palaging magkasama. Bilis nila'y higit pa sa agila, higit pa kaysa leon ang lakas na taglay nila.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 1:23
14 Mga Krus na Reperensya  

Mga babae ng Israel, magdalamhati kayo para kay Saul. Dahil sa kanyaʼy nakapagsuot kayo ng mga mamahaling damit at alahas na ginto.


Kasama sa labanan ang tatlong anak ni Zeruya na sina Joab, Abishai at Asahel. Mabilis tumakbo si Asahel gaya ng usa, at hinabol niya si Abner nang walang lingon-lingon.


May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaya. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoyada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.


May mga tao ring mula sa lahi ni Gad ang sumama kay David doon sa matatag na kuta na pinagtataguan niya sa ilang. Matatapang silang sundalo at mahuhusay gumamit ng mga pananggalang at sibat. Kasintapang sila ng mga leon, at kasimbilis ng usa sa kabundukan:


Dumadaan ito na kasimbilis ng isang matuling sasakyang pandagat o ng agilang dumadagit ng pagkain.


ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan),


Kay tamis halikan ang kanyang bibig. Tunay ngang siyaʼy kaakit-akit. O mga babae ng Jerusalem, siya ang aking mahal, ang aking iniibig.


Tingnan nʼyo! Dumarating ang kaaway natin na parang mga ulap. Ang mga karwahe niyaʼy parang ipu-ipo at ang mga kabayo niyaʼy mas mabilis kaysa sa mga agila. Nakakaawa tayo! Ito na ang ating katapusan!


Ang mga kaaway na tumutugis sa amin ay mas mabilis pa kaysa sa agila. Tinutugis kami sa mga bundok at inaabangan kami sa disyerto para salakayin.


“Ipapasalakay kayo ng Panginoon sa isang bansa na mula sa malayong lugar, sa dulo ng mundo, na hindi ninyo maintindihan ang salita. Sasalakayin nila kayo katulad ng pagsila ng agila sa mga kaaway.


Kaya bago matapos ang ikapitong araw, sinagot nila ang bugtong. Sinabi nila kay Samson, “Wala nang mas tatamis pa sa pulot, at wala nang mas lalakas pa sa leon.” Sumagot si Samson, “Kung hindi nʼyo pinilit ang asawa ko, hindi nʼyo sana nalaman ang sagot.”


Matapos makipag-usap ni David kay Saul, nakilala niya ang anak nitong si Jonatan. Naging matalik silang magkaibigan at mahal na mahal ni Jonatan si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.


Sumagot si Jonatan, “Hindi ka mamatay! Sigurado akong wala siyang pinaplanong ganyan. Maliit man o malaking bagay, ipinapaalam ng ama ko sa akin lahat ng gagawin niya. Kung binabalak ka niyang patayin, ipinaalam na sana niya ito sa akin. Kaya hindi totoo yan.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas