Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

54 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Masamang Pagkakaibigan

Alam mo ba, malaki ang impluwensya ng mga taong nakakasalamuha natin, mapabuti man o masama. Sabi nga sa Kawikaan 13:20, "Ang nakikisama sa marurunong ay magiging marunong; ngunit ang nakikisama sa mga mangmang ay mapapariwara."

Minsan kasi, sa pakikipagkaibigan natin sa mga taong hindi maganda ang impluwensya, tayo 'yung laging nagbibigay, tayo 'yung laging nasasaktan. Para bang paulit-ulit na lang ang problema, hindi ba? Parang walang katapusan.

Sa Biblia nga, nabasa natin ang kwento ng mga Israelita. Nung malapit na silang makarating sa Lupang Pangako, binalaan sila ni Jehova na huwag makisalamuha sa mga taong nakatira doon at huwag sambahin ang mga diyos-diyosan nila.

Isipin mo, lagi ka ring nakakatanggap ng mga babala sa buhay mo, 'di ba? Mga bagay na hindi mo dapat gawin, mga bagay na hindi makakabuti sa'yo. Mahalaga na makinig tayo sa mga babalang ito para makaiwas tayo sa kapahamakan. Isipin mo na lang kung gaano kalala ang pwedeng mangyari kung susuwayin natin ang mga ito.

May mga taong nagsasabing kaibigan ka nila, pero kung ilalayo ka nila sa mga utos ng Diyos, baka sila pa ang maghatid sa'yo sa kapahamakan. Ayaw ni Jesus n'yan para sa'yo. Kaya humingi ka ng gabay sa Kanya, at sundin mo ang kalooban Niya sa buhay mo.

Manalangin ka sa Diyos para sa mga mabubuting kaibigan na kailangan mo. Maniwala ka, sasagutin Niya ang panalangin mo. Tutulungan ka Niyang lumayo sa mga taong nag-aalok ng masamang impluwensya, puno ng kasamaan at imoralidad.


Santiago 4:4

Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos.

Mga Awit 1:1

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.

2 Juan 1:10-11

Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo,

sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain.

Mga Kawikaan 14:7

Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang, pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman.

Mga Kawikaan 22:24-25

Huwag kang makipagkaibigan sa taong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin,

baka mahawa sa kanila at sa bitag ay masilo.

1 Juan 2:15

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.

Mga Kawikaan 13:20

Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

1 Corinto 5:11

Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.

Mga Kawikaan 18:24

May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.

1 Corinto 15:33

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama'y nakakasira ng magagandang ugali.”

Mga Kawikaan 16:28

Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.

Mga Panaghoy 1:2

Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na.

Mga Kawikaan 17:9

Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

2 Tesalonica 3:6

Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at ayaw sumunod sa mga itinuro namin sa inyo.

Mga Kawikaan 27:6

May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

Tito 3:10-11

Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi,

dahil alam mong ang ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang nagpapakilalang siya'y mali.

Mga Kawikaan 3:32

Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot.

Mga Kawikaan 16:29

Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa, at ibinubuyo sa landas na masama.

Mga Kawikaan 19:4

Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan, ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan.

Mga Kawikaan 28:19

Sagana sa pagkain ang magsasakang masipag, ngunit naghihirap ang taong tamad.

2 Mga Cronica 19:2

Sinalubong siya ng propetang si Jehu, anak ni Hanani, at sinabi sa kanya, “Dapat mo bang tulungan ang masasama at kumampi sa mga napopoot kay Yahweh? Sa ginawa mong ito ay ginalit mo si Yahweh.

Mga Awit 119:115

Kaya kayong masasama, ako'y inyo nang lubayan, pagkat ang utos ng Diyos, hindi ko tatalikuran.

Mga Awit 26:4-5

Di ako nakikisama sa walang kuwentang tao, hindi ako nakikiisa sa mga hipokrito.

Ang nakikisama sa kanila ay aking kinamumuhian, at ang makihalo sa kanila'y aking iniiwasan.

2 Tesalonica 3:14-15

Maaaring mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat na ito. Kung magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makihalubilo sa kanya, upang siya'y mapahiya.

Ngunit huwag naman ninyo siyang ituturing na kaaway; sa halip, pangaralan ninyo siya bilang kapatid.

Mga Kawikaan 24:1

Huwag mong kainggitan ang mga makasalanan ni sa kanila'y makipagkaibigan.

Eclesiastes 9:18

Ang karunungan ay makapangyarihan kaysa sandata ngunit ang isang pagkakamali ay nagbubunga ng malaking pinsala.

Mga Kawikaan 12:26

Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw.

Mga Awit 1:1-3

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.

Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.

Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.

Efeso 5:11

Huwag na kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibinubungang kabutihan. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.

2 Corinto 6:14

Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman?

Mga Awit 139:19-22

Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa.

Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.

Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo, at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo.

Lubos akong nasusuklam sa sinumang muhi sa iyo, ang lahat ng nag-aalsa laban sa iyo'y di ko gusto.

Lubos akong nagagalit, lubos din ang pagkasuklam, sa ganoong mga tao ang turing ko ay kaaway.

Galacia 5:9

Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.”

Galacia 5:7-9

Mabuti na sana ang inyong ginagawa. Sino ang pumigil sa inyong pagsunod sa katotohanan?

Hindi iyan gagawin ng Diyos na tumawag sa inyo.

Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.”

Mga Kawikaan 27:17

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

1 Pedro 5:8

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila.

1 Juan 2:15-17

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Roma 16:17-18

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa mga aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.

Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod para kay Cristo na Panginoon natin, kundi para sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.

1 Timoteo 6:11-12

Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kahinahunan.

Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.

Mga Kawikaan 1:10-15

Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila.

Kung sabihin nilang, “Halika't tayo ay mag-abang, bilang katuwaa'y daluhungin ang mga walang malay.

Sila'y ating dudumugi't walang awang papatayin, at sila ay matutulad sa patay na ililibing.

Ating sasamsamin ang lahat nilang kagamitan, bahay nati'y mapupuno ng malaking kayamanan.

Halika at sa amin ikaw nga ay sumama, lahat ng masasamsam, bibigyan ang bawat isa.”

Aking anak, sa kanila ay iwasan mong makisama, umiba ka ng landas mo, papalayo sa kanila.

Mga Kawikaan 10:9

Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.

Mga Kawikaan 19:20

Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.

1 Pedro 4:4

Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay kaya kayo'y sinisiraan nila,

Mateo 7:15

“Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.

Mga Kawikaan 15:12

Ayaw mapagsasabihan ang mga palalo, at sa matatalino'y di hihingi ng payo.

Mga Kawikaan 25:19

Ang taksil na pinagtiwalaan sa panahon ng pangangailangan ay tulad ng ngiping umuuga at mga paang pilay.

Mga Kawikaan 19:27

Ang anak na ayaw makinig sa pangaral ay tumatalikod sa turo ng kaalaman.

Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

2 Timoteo 2:22

Kaya nga bilang isang kabataan, iwasan mo ang masasamang pagnanasa, subalit pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis at tumatawag sa Panginoon.

Mga Awit 101:4

Aking sisikapin na ang masunod ko'y ang gawaing tapat; maging sa isipan di ko iisipin ang gawang di tumpak.

Colosas 3:2

Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,

Roma 1:29-32

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, masasamang isip, pagkainggit, pagpatay, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis,

ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David. At tungkol naman sa Espiritu ng kabanalan, ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay.

mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa.

Nalalaman nila ang utos ng Diyos na dapat mamatay ang mga gumagawa nito, ngunit patuloy sila sa paggawa nito at natutuwa pang makita na ang iba ay gumagawa rin ng ganoon.

Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

1 Juan 2:15-16

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Panalangin sa Diyos

Ama naming nasa langit, kung mayroon mang laman ang puso ko, ito ay ang matinding pagnanais na mapalugdan Ka. Nais kong parangalan Ka sa aking buhay at sa bawat desisyon ko. Hinihiling ko po na ilayo Ninyo ako sa masasamang kaibigan, iyong mga pusong may inggit, tsismosa, at mapanira; iyong hindi nagpapatibay, kundi nagwawasak at nais lamang manakit sa pamamagitan ng kanilang mga salita at kilos. Panginoon, bigyan Mo po ako ng karunungan upang makapili ng mga tunay na kaibigan at huwag hayaang mahawahan ako ng anumang masamang impluwensya. Sabi Mo nga po sa Iyong salita: "Ang taong masama ay nagpapasimula ng pag-aaway, at ang tsismoso ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik." Espiritu Santo, bigyan Mo po ako ng kakayahang maunawaan at mabantayan ang pagkakaisa ng mga nakapaligid sa akin. Panginoon, wasakin Mo po ang lahat ng gawa ng kasamaan at impluwensya ng kaaway na nais magdulot ng pagkakawatak-watak. Sa ngalan ni Hesus, Amen.