Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

109 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Sekswal na Pagtataksil

Alam mo, ang pagtataksil, parang paglihis sa tamang daan. Nawawala ang respeto natin sa sarili at sa kapwa, nagpapakalunod sa sariling kagustuhan at hindi iniisip ang sakit na maidudulot sa minamahal. Naaalala ko ang sinasabi sa Biblia tungkol sa pagiging tapat. Huwag nating hayaang makontrol tayo ng makamundong pagnanasa.

Paano nga ba natin malalabanan ang mga tuksong ito na araw-araw nating hinaharap? Sa palagay ko, kailangan nating ibigay ang ating mga kahinaan kay Hesus. Siya ang ating lakas. Doon tayo hihingi ng tulong sa oras ng panghihina. Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng malusog na relasyon, matibay na pamilya, at payapang buhay, malayo sa mga problemang dulot ng pagtataksil.

Isipin mo, kung si Lord ang magiging inspirasyon natin sa pagiging tapat, hindi natin Siya mabibigo, at hindi rin natin mabibigo ang mga taong nagtitiwala sa atin. Kaya mo 'yan! Tandaan mo, kay Kristo na nagpapalakas sa atin, wala tayong hindi kayang lagpasan. Nasa Kanya ang lahat ng ating kakayahan.


Mga Hebreo 13:4

Dapat igalang ng lahat ang pagsasama ng mag-asawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.

Mateo 19:6

Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.”

Mateo 5:27-28

“Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’

Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

Mga Kawikaan 6:32

Ngunit ang nangangalunya ay isang taong mangmang, sinisira ang sarili, buhay niya at pangalan.

Exodus 20:14

“Huwag kang mangangalunya.

Mga Kawikaan 6:32-35

Ngunit ang nangangalunya ay isang taong mangmang, sinisira ang sarili, buhay niya at pangalan.

Ang tangi niyang mapapala ay pahirap sa sarili, ang kanyang kahihiyan, hindi na niya mababawi.

Sapagkat ang panibugho sa tao ay nag-uudyok, ang puri nga ay ibangon, kahit buhay ay malagot.

Wala kang itutumbas para kamtin ang patawad, kahit gaano pa kalaki ang sa kanya ay ibayad.

Isaias 29:15

Kaawa-awa ang mga nagtatago kay Yahweh habang sila'y gumagawa ng mga panukala. Sila na nagsasabing: “Doon kami sa gitna ng dilim upang walang makakakilala o makakakita sa amin!”

1 Corinto 6:18-20

Huwag kayong makikiapid. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakaka-apekto sa kanyang katawan, ngunit ang nakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.

Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan;

Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay?

sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

Galacia 5:19-21

Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabale-wala ninyo si Cristo.

pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,

pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Judas 1:18

Noon pa'y sinabi na nila sa inyo, “Sa huling panahon, may lilitaw na mga taong mapanlait at alipin ng masasamang nasa ng laman.”

Mga Bilang 5:27

Kung nagtaksil nga siya sa kanyang asawa, makakaramdam siya ng matinding sakit, matutuyo ang kanyang balakang at mamamaga ang kanyang tiyan. Sa ganitong paraan, hindi siya pamamarisan ng kanyang mga kababayan.

Santiago 4:4

Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos.

1 Tesalonica 4:3-5

Kalooban ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan.

Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa,

at hindi pagsunod lamang sa nasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakila sa Diyos.

Deuteronomio 32:20

‘Kaya't ako'y lalayo,’ ang sabi niya, ‘Kanilang mga dalangin di na diringgin pa, tingnan ko lang ang kanilang sasapitin— isang lahing suwail, mga anak na taksil.

Jeremias 3:20

Ngunit gaya ng taksil na asawa, iniwan mo ako. Hindi ka naging tapat sa akin.”

Colosas 3:5

Kaya't dapat nang mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Mga Hukom 19:2

Subalit nagalit sa kanya ang babae at umuwi sa mga magulang nito sa Bethlehem. Nanatili ito roon nang apat na buwan.

Lucas 12:46

Darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail.

Mga Kawikaan 7:1-3

Aking anak, salita ko sana ay ingatan, itanim sa isip at huwag kalimutan.

Ang babae ang sa kanya'y sumalubong sa pintuan, mapang-akit, mapanlinlang sa masagwang kasuotan.

Maingay ang kanyang boses, kilos niya ay maharot, di matigil sa tahanan, di mapigil sa paglibot.

Ngayo'y sa lansangan, maya-maya'y sa liwasan, walang anu-ano'y sa panulukan, doon siya nag-aabang.

Lalaki'y kanyang susunggaban at pupupugin ng halik, at ang kanyang sasabihing punung-puno ng pang-akit:

“Nasa amin ngayon ang marami kong mga handog, katatapos ko lang tupdin ang panata ko sa Diyos.

Ako ay narito upang ika'y salubungin, mabuti't nakita kita pagkatapos kong hanapin.

Ang aking higaa'y sinapnan ko nang makapal, linong buhat sa Egipto, iba't iba pa ang kulay.

Ito'y aking winisikan ng pabangong mira, bukod pa sa aloe at mabangong kanela.

Halika at bigyang daan, damdamin ng isa't isa, ang magdamag ay ubusin sa paglasap ng ligaya.

Ako ay nag-iisa, asawa ko'y nasa malayo, pagkat siya ay umalis sa ibang lugar nagtungo.

Ang utos ko ay sundin mo upang mabuhay nang matagal, turo ko'y pahalagahan tulad ng iyong mga mata.

Marami ang baon niyang salapi, pagbilog pa ng buwan ang kanyang uwi.”

Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok, sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog.

Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok, parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod, mailap na usa, sa patibong ay nahulog,

hanggang sa puso nito ang palaso ay maglagos. Isang ibong napasok sa lambat ang kanyang nakakatulad, hindi niya namalayang buhay pala ang katumbas.

Kaya nga ba, aking anak, sa akin ay makinig, at dinggin mo ang salitang mula sa aking bibig.

Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit, ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis,

sapagkat marami na ang kanyang naipahamak, at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak.

Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian, tiyak na patungo sa malagim na kamatayan.

Ito'y itali mo sa iyong mga kamay, at sikapin mong matanim sa iyong isipan.

2 Timoteo 2:13

Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”

Mateo 19:9

Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking magpalayas at humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nangangalunya, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya.”

1 Corinto 10:8

Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya't dalawampu't tatlong libong tao ang namatay sa loob lamang ng isang araw.

Roma 1:24-27

Kaya't hinayaan na sila ng Diyos sa kanilang maruruming pagnanasa hanggang sa hindi na nila mapigil ang paggawa ng kahalayan sa isa't isa.

Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.

Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan.

Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya't sila'y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.

Efeso 5:3

Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot.

Mga Kawikaan 5:15-20

Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang.

Kung ika'y magkaanak sa babaing di asawa, walang buting idudulot, manapa nga ay balisa.

Anak mo'y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan, upang hindi do'n sa iba iasa ang iyong buhay.

Kaya nga ba't mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan.

Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit, ligaya mo'y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib.

Sa gayo'y magagawa mo ang mabuting pagpapasya, at ang bawat sabihin mo'y kaalaman ang ibabadya.

Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit, ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik.

2 Pedro 2:14

Wala silang hinahanap kundi mga babaing mapag-aaliwan nila; wala silang sawa sa paggawa ng kasalanan. Itinutulak pa nila sa pagkakasala ang mahihina. Sila'y mga sakim at sila'y isinumpa!

Mga Awit 101:3

sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban.

Mga Kawikaan 6:24-25

Ilalayo ka nito sa babaing masama, sa mapang-akit niyang salita ngunit puno ng daya.

Huwag mong nanasain ang ganda niyang taglay, ni huwag paaakit sa tingin niyang mapungay.

Mateo 15:19

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri.

Leviticus 20:10

“Ang lalaking mangangalunya sa asawa ng iba ay dapat patayin, gayundin ang babae.

Mga Kawikaan 30:20

Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.

Mga Awit 119:37

Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay.

Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal.

Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.

1 Juan 2:15-16

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Mga Kawikaan 11:6

Ang katuwiran ng mga matuwid ang nagliligtas sa kanya, ngunit ang masama ay bilanggo ng kanyang masamang nasa.

Exodus 34:14

“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos.

Isaias 54:5

Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.

Eclesiastes 7:26

Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama.

Mga Awit 51:10

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Mateo 18:15-17

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid.

Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi.

Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”

Galacia 6:7-8

Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan.

Roma 6:12-13

Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang may kamatayan upang hindi na kayo maalipin ng masasamang hilig nito.

Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Mga Awit 119:9

Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan.

Mga Kawikaan 5:8-9

Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay, ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.

Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba, sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga.

Eclesiastes 2:2

Ang halakhak ay ipinalagay kong kahangalan at ang kaligayahan ay walang kabuluhan.

Mga Awit 101:4

Aking sisikapin na ang masunod ko'y ang gawaing tapat; maging sa isipan di ko iisipin ang gawang di tumpak.

Mga Kawikaan 4:23

Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

Santiago 1:14-15

Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa.

Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan.

Genesis 39:9

at ipinamahala niya sa akin ang lahat sa bahay na ito, maliban sa inyo na kanyang asawa. Hindi ko po magagawa ang ganyan kalaking kataksilan at pagkakasala sa Diyos.”

2 Timoteo 2:22

Kaya nga bilang isang kabataan, iwasan mo ang masasamang pagnanasa, subalit pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis at tumatawag sa Panginoon.

Mga Awit 12:3

Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;

1 Corinto 5:1

Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan!

Isaias 58:6

“Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.

Roma 8:6

Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.

1 Pedro 1:14-16

Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa.

Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa,

sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”

Mateo 5:31-32

“Sinabi rin naman, ‘Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.’

Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, maliban kung ito ay nangangalunya, itinutulak niya ang kanyang asawa sa kasalanang pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing pinalayas at hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Mga Kawikaan 22:14

Ang salita ng mapang-apid ay isang patibong at ang mga hindi nagtitiwala kay Yahweh ang nahuhulog doon.

Mga Hebreo 10:26-27

Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at magpatuloy pa rin tayo sa pagkakasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos!

Exodus 20:17

“Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.”

2 Corinto 12:21

Nangangamba ako na pagpunta kong muli riyan, hiyain ako ng aking Diyos sa harapan ninyo, at itatangis ko ang karumihan, pakikiapid at kahalayang hindi pa ninyo pinagsisiha't tinatalikuran.

Mga Kawikaan 25:16

Huwag kakain ng labis na pulot-pukyutan at baka ito'y isuka mo lang.

Mga Awit 23:3

Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

Mateo 7:21-23

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa iyong pangalan?’

Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”

Galacia 5:16-17

Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman.

Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya't hindi ninyo magawâ ang nais ninyong gawin.

Santiago 4:1-2

Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban?

Magpakumbabá kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa't isa. Ang namimintas o humahatol sa kanyang kapatid ay namimintas at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito.

Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Tanging siya ang may kapangyarihang magligtas at magpahamak. Ngunit ikaw, sino ka upang humatol sa iyong kapwa?

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.”

Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.

Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon.”

Ngunit kayo'y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama!

Ang nakakaalam na dapat niyang gawin ang mabuti ngunit hindi iyon ginagawa ay nagkakasala.

Mayroon kayong minimithi ngunit hindi ninyo makamtan, kaya't papatay kayo kung kailangan, mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maangkin, kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.

Ezekiel 16:32-33

O babaing mangangalunya, mas gusto mo pang pasiping sa iba kaysa iyong asawa.

Ang mga lalaki'y nagbabayad sa mga babaing bayaran, ngunit iba ka. Ikaw pa ang nagbabayad sa sinumang gusto mong umangkin sa iyo para lamang magawâ mo ang iyong kahalayan.

Roma 8:7-8

Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang sundin ito.

At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.

1 Juan 3:3

Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo.

Filipos 4:8

Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

Colosas 2:8

Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at madayang katuruan na hindi kay Cristo nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga alituntunin ng mundong ito.

Isaias 57:17

Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana't kasakiman, kaya sila'y aking itinakwil. Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin.

Mga Kawikaan 21:17

Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman, bagkus sa hirap siya'y masasadlak.

Roma 13:13-14

Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kalaswaan at kahalayan, sa alitan at inggitan.

Ang Panginoong Jesu-Cristo ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag ninyong sundin ang mga hilig ng laman.

Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Galacia 5:24

At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.

Mga Kawikaan 27:12

Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

Mga Hebreo 12:14-15

Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba.

1 Pedro 2:11

Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang masasamang hilig ng katawan na naghihimagsik laban sa inyong kaluluwa.

Mga Awit 119:105

Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

1 Juan 3:15

Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala sa mamamatay-tao.

Mga Awit 130:3

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan.

Mga Kawikaan 4:25-27

Palaging sa hinaharap ang pukol ng iyong tanaw, ituon ang iyong pansin sa iyong patutunguhan.

Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay.

Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan.

2 Corinto 10:5

ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.

Mga Awit 139:23-24

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;

kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Eclesiastes 12:14

Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.

Galacia 6:7

Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Mateo 26:41

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.”

Roma 2:22

Sinasabi mong huwag mangangalunya, hindi ka ba nangangalunya? Nasusuklam ka sa mga diyus-diyosan, ngunit pumapasok ka pa sa mga templo nito makapagnakaw lamang!

Mga Hebreo 3:12-13

Mga kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Diyos na buháy.

Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.

Mga Awit 119:11

Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.

1 Corinto 10:13

Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.

Mga Awit 141:4

Huwag mong babayaang ako ay matukso, sa gawang masama ay magumon ako; ako ay ilayo, iiwas sa gulo, sa handaan nila'y nang di makasalo.

Isaias 50:10

Kayong lahat na may paggalang kay Yahweh, at sumusunod sa utos ng kanyang lingkod, maaaring ang landas ninyo ay maging madilim, gayunma'y magtiwala kayo at umasa sa kapangyarihan ng Diyos na si Yahweh.

Mga Kawikaan 30:17

Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakainin ng buwitre ang kanilang bangkay.

1 Juan 2:28

Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya, at nang hindi tayo mapahiya sa kanya sa araw na iyon.

Roma 5:20

Nang magkaroon ng Kautusan, dumami ang pagsuway; ngunit sa pagdami naman ng mga pagsuway ay lalong sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos.

Mateo 5:8

“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

2 Pedro 1:4

Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos.

Mga Awit 56:13

Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!

Mga Awit 62:10

Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan.

Colosas 3:2

Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,

Santiago 5:16

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.

1 Corinto 15:33

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama'y nakakasira ng magagandang ugali.”

Filipos 2:14

Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo,

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Hesus, ikaw ang aking tagapagligtas at manunubos. Sinasamba ko ang iyong pangalan at ang kapangyarihan ng iyong kadakilaan. Sa sandaling ito, nagpapasalamat ako sa kung sino ka at sa lahat ng iyong ginawa sa aking buhay. Ayokong gumawa ng anumang bagay na maglalayo sa akin sa iyong harapan. Kaya ngayon, lumalapit ako sa iyo, upang humingi ng tulong sa aking mga kahinaan. Huwag mo akong hayaang mahulog sa tukso, iligtas mo ako sa pagiging alipin ng masasamang pagnanasa ng aking laman. Ayokong maging taksil sa iyo, o sa aking pamilya. Nais kong lumakad nang matuwid sa iyong harapan. Tulungan mo akong tumakas sa aking mga maling pagnanasa. Inilalagay ko sa iyong paanan ang lahat ng ugat ng kasamaan na nagtutulak sa akin na gumawa ng masama. Ipinapako ko sa iyong krus ang lahat ng di-marapat na pagnanasa at idinedeklara ko ang aking sarili na malaya mula sa lahat ng bagay na hindi nakakabuti sa aking kaluluwa. Salamat sa iyong pakikinig, sa iyong pagtulong at sa iyong mabilis na pagliligtas sa akin. Huwag mo akong pabayaan sa kamay ng aking mga kaaway. Iligtas mo ako sa lahat ng kasamaan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.