Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

MGA TALATA TUNGKOL SA DIYOS

Kaibigan, ang Diyos ang lumikha sa'yo, ang iyong tagapagtanggol, ang iyong tagapagtaguyod. Siya ang makapangyarihan sa lahat, mahabagin, mapagpatawad, at mabuti.

Malalaman natin Siya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Alam mo, interesado Siya sa buhay mo. Mahal ka Niya at may magandang plano Siya para sa'yo.

Kahit ano pa man ang mangyari, alam na Niya. Wala Siyang hindi alam. Ang pagmamahal Niya ay walang katapusan. Sabi nga sa Isaias 41:13, “Ako ang Panginoon mong Diyos, ang umaalalay sa iyong kanang kamay; ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot, tutulungan kita.’” Ganyan ang Diyos, lagi Siyang nandyan para sa atin. Kailangan lang natin Siyang lapitan.

Siya ang lumikha at nag-aalaga sa lahat ng bagay. Iniligtas Niya ang mundo sa pamamagitan ng Kanyang anak, si Hesukristo.


Mga Awit 50:14

Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:

Mga Awit 100:1

Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.

Mga Awit 47:7

Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.

Mga Awit 67:3

Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.

Mga Awit 145:1

Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.

Jeremias 33:9

At ang bayang ito ay magiging pinakapangalan ng kagalakan sa akin, pinaka kapurihan at pinaka kaluwalhatian, sa harap ng lahat na bansa sa lupa na makakarinig ng lahat na mabuti na gagawin ko sa kanila, at mangatatakot at magsisipanginig dahil sa lahat na buti at dahil sa lahat na kapayapaan na aking pinagsikapan sa kaniya.

Mga Awit 119:171

Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

1 Mga Cronica 16:25

Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam: Siya rin nama'y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios.

Mga Awit 40:3

At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon.

Mga Awit 34:1

Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.

Mga Awit 100:4

Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.

Mga Hebreo 13:15

Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.

Mga Awit 147:7

Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:

Mga Awit 96:6

Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya: kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.

Mga Awit 96:4

Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.

Mga Awit 75:9

Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.

Mga Awit 95:6-7

Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!

Jonas 2:9

Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon.

Mga Awit 145:21

Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

1 Mga Cronica 16:27

Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan.

Mga Awit 148:2

Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.

Juan 4:24

Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

Exodus 15:11

Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?

Exodus 15:2

Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin.

Daniel 2:23

Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.

Mga Awit 150:6

Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 35:28

At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw.

Mga Awit 95:2

Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.

Mga Awit 33:1

Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid.

Mga Hebreo 2:12

Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.

Mga Awit 145:3

Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.

Isaias 12:5

Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.

Mga Awit 29:2

Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.

Mga Awit 78:4

Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.

1 Samuel 2:2

Walang banal na gaya ng Panginoon; Sapagka't walang iba liban sa iyo, Ni may bato mang gaya ng aming Dios.

Mga Awit 42:4

Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko, kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios, na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.

Mga Awit 100:2

Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.

Mga Awit 79:13

Sa gayo'y kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man: aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.

Isaias 43:21

Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.

Mga Awit 22:25

Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.

Mga Awit 9:11

Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.

Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

Mga Hebreo 12:28-29

Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:

Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw.

Pahayag 19:5

At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.

Lucas 2:20

At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila.

Mga Awit 116:17

Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

Colosas 3:16-17

Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.

At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.

Mateo 4:10

Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

Mga Awit 86:9

Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.

1 Mga Cronica 16:29

Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan.

Exodus 34:14

Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:

Mga Awit 103:1

Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.

Mga Awit 22:3

Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.

Pahayag 4:11

Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.

Filipos 3:3

Sapagka't tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:

Mga Awit 95:1-2

Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan.

Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon, at aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso. At hindi naalaman ang aking mga daan:

Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.

1 Mga Cronica 29:11-12

Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.

Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.

Mga Awit 5:7

Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.

Mateo 15:9

Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.

Isaias 29:13

At sinabi ng Panginoon, Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila:

Mga Awit 37:4

Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.

Mga Awit 119:10-11

Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.

Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.

Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.

Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!

Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.

Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.

Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.

Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.

Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

Mga Awit 138:1-2

Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.

Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.

Roma 15:16

Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.

Mga Awit 47:6-7

Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.

Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.

Deuteronomio 6:13

Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka.

Pahayag 7:11-12

At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,

Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.

1 Corinto 10:31

Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

Isaias 6:3

At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.

Mga Awit 63:1-3

Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.

Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: sila'y magiging pagkain sa mga zorra.

Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.

Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.

Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi.

Mateo 26:30

At pagkaawit nila ng isang himno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.

Mga Awit 69:30-31

Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat.

At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa.

Mga Awit 95:3

Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios,

Lucas 4:8

At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

Roma 1:25

Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

Pahayag 15:4

Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't ikaw lamang ang banal; sapagka't ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.

Panalangin sa Diyos

Salamat po, Panginoon, sapagkat Ikaw ang aking manggagamot, tagapaglaan, at tagapagtanggol. Ikaw ang lumalaban para sa akin at nagdadala sa akin mula sa isang kaluwalhatian patungo sa isa pa. Sa dakila at makapangyarihang pangalan ni Hesus, lumalapit ako sa Iyo upang sambahin at purihin Ka, dahil sa Iyong walang hanggang pag-ibig at awa. Hari ko, pupurihin at dadakilain Kita sapagkat pinatawad Mo ako, iniligtas Mo ako, at tinanggap Mo ako. Gumagawa Ka ng mga tanda sa langit at dito sa lupa, hinati Mo ang dagat. O mapalad, Banal ng Israel! O Diyos, pinagpala Ka sa lahat ng bansa, pinupuri at pinagpapala nila ang Iyong pangalan, na higit sa lahat ng pangalan, at ipinapahayag na Ikaw ang Kataas-taasang Hari. Diyos ko, hinihiling ko na ang Iyong papuri ay laging nasa aking bibig. Sabi ng Iyong salita: "Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na nagpala sa atin ng bawat pagpapalang espirituwal sa kalangitan kay Cristo." Salamat po sa Iyong walang hanggang awa, Ikaw ang aking Diyos, aking Hari, at walang mabuti kung wala Ka. Ikaw ang lumikha ng langit at lupa, ang Iyong pangalan lamang ang dakila. Purihin at awitan Ka ng lahat ng Iyong mga banal sapagkat kamangha-mangha ang Iyong mga gawa, at di mabilang tulad ng buhangin sa dagat. Sa pangalan ni Hesus, Amen.